^

PSN Showbiz

May bago na si Kris kaya ayaw na kay Joey !

RATED A - Aster Amoyo -
Napaka-shortlived naman ng reality-based program nina Rica Peralejo at Marvin Agustin sa ABS-CBN, ang To The Max dahil hindi man lamang ito umabot ng one season o thirteen weeks.  Last airing na ng programa kahapon, Biyernes, dahil papalitan na ito ng bagong teleserye ni Piolo Pascual, ang Mangarap Ka.

Siyempre pa,  parehong nalungkot sina Rica at Marvin sa maagang pagkawala sa ere ng kanilang daily afternoon program. Pero hindi dapat malungkot sina Rica at Marvin dahil pareho pa rin naman silang may respective programs sa Dos - si Rica ay may dalawa, ang sitcom na OK, Fine Whatever at ang musical variety show na ASAP Mania habang si Marvin naman ay may Tanging Ina at ang teleseryeng Sana’y Wala Nang Wakas.   
* * *
Parehong dumating sa sala ni Judge Abednego ang dating mag-asawang Aiko Melendez at Jomari Yllana nung Miyerkules ng hapon para dinggin ang inihaing reklamo ni Jomari na may kinalaman sa visitation rights niya sa kanilang anak na si Andrei.  Bago nagbigay ang judge ng kanyang desisyon ay kinausap niya ang dating mag-asawa nang hindi kasama ang kanilang mga abugado.  Pumayag na si Aiko sa request ni Jomari kaya masaya ang huli. Ang dating mag-asawa ay dumalo rin sa graduation ni Andrei sa prep kamakailan lang.  Sana, kahit hiwalay na sila ay maging magkaibigan pa rin sila alang-alang sa kanilang anak.   

Samantala, tahimik pa rin si Aiko tungkol sa isyu ng paghihiwalay nila ni Victor Neri at ayaw din ni Jomari na makisawsaw sa isyu dahil labas na umano siya roon.  Ang mahalaga, happy siya ngayon sa relasyon nila ni Ara Mina.
* * *
Sa mga nagtataka kung bakit biglang nawala si Ogie Diaz sa Magandang Umaga Bayan o MUB kasama si Nina Corpuz, ay tiyak na matutuwa  dahil babalik sa nasabing programa si Ogie simula sa darating na Lunes. May kaunting problema lamang umanong inayos sa pagitan ng Dos at ni Ogie. Ang hindi namin alam ay kung balik din si Ogie sa kanyang radio program sa DZMM, ang Ms. M, Ms. O..... Mismo.
* * *
Nagkaroon umano ng meeting sa bahay ng comedy king na si Dolphy sa pagitan ng komedyante at dalawang big bosses ng ABS-CBN na sina G. Gabby Lopez at Ms. Charo  Santos-Concio. Kung anuman ang pinag-usapan ng tatlo ay tiyak na confidential ito.  May mga ispekulasyong lumabas na marahil ay nagkaroon ng kasunduan sa pagitan nina Dolphy at pamunuan ng Dos na may kinalaman sa weekly sitcom na Home Along Da Airport  kung saan ay muling nag-taping ang top comedian.   

Kung saka-sakali man daw na sibakin ang Home Along Da Airport ay hindi ito magiging problema sa komedyante dahil naka-abang sa kanya ang ABC-5 at maging ang GMA-7. Hindi rin umano takot si Dolphy na mawala ang kanyang programa sa Dos. Ang inaalaala lamang niya ay ang kanyang mga kasamahan sa programa na mawawalan ng trabaho.   

Simula nang kumalat ang kontrobersya sa pagitan nina Dolphy at Dos ay naging tahimik lamang ang live-in sweetheart ni Zsa Zsa Padilla. Ayaw nitong magkomento anumang pilit ang gawin sa kanya.    May suspetsa ang marami na tatapusin marahil ng Dos ang kontrata ni Dolphy sa kanila kesa naman ipa-terminate nila ito sa gitna ng mga kontrobersya.

Dahil sa mga pangyayari, concerned umano ang KNP presidential candidate na si FPJ sa kanyang kumpareng Dolphy dahil sa pagsuporta nito sa kanya ay nadadamay ang trabaho nito. Pero nangako naman umano si Dolphy na kahit anuman ang mangyari, hindi umano siya bibitaw sa pagsuporta sa movie king at gumawa pa nga ito ng ad endorsement  para kay FPJ. 

Si FPJ din ang tanging kandidato na sinuportahan nang husto ni Dolphy dahil bukod sa kanilang pagiging matalik na magkaibigan, naniniwala umano si Dolphy sa kakayahan ni FPJ.
* * *
Tinuldukan na umano ni Kris Aquino ang relasyon nila ng dating mister ni Alma Moreno na si Parañaque Mayor Joey Marquez na kandidato ngayon sa pagka-congressman sa isang distrito sa Parañaque. May bali-balita na may bagong manliligaw umano ngayon ang bunso ni Tita Cory kaya ibang-iba umano ngayon ang glow ni Kris.  Obvious kasi kay Kris kapag  siya’y in-love.   

Samantala, sabak ngayon sa magkahiwalay na kampanya ang dating mag-asawang Joey at Alma Moreno.  Ang ex-couple ay nasa magkalabang partido kaya malabong magkatulungan sila sa kampanya. Si Alma ay kandidato sa pagka-mayor, ang posisyon na iiwanan ng kanyang dating mister.
* * *
Personal:  Ang aking pagbati sa aking unica hija na si Aila Marie Reyes sa kanyang pagtatapos ng Grade VI sa Lorenzo Ruiz de Manila School  nung nakaraang Huwebes ng hapon ganundin sa aking apo sa pamangkin na si Ivy Grace Gayo na nagtapos naman ng prep sa La Petite Learning Center sa Cainta, Rizal nung nakaraang Marso 19.  Sina Aila at Mavy ay parehong nagtapos with academic honors.
* * *
[email protected]

vuukle comment

ALMA MORENO

CENTER

DAHIL

DOLPHY

HOME ALONG DA AIRPORT

JOMARI

UMANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with