^

PSN Showbiz

Tracy, idenemanda ng mga moralista

-
Naloka at nagulat si Tracy Torres nang mabasa niya na nakademanda siya sa Muntinlupa City Trial Court dahil sa kalaswaan. Kasama niya ang mga sexy stars na sina Belinda Bright, Maui Taylor, Katya Santos, Jeannette Joaquin at Candy Alison. Sinampahan sila ng Grave Scandal (for violation of Article 200 of The Revised penal Code) dahil lumabas ang pictures nila na nanggaling sa love scenes ng kanilang mga sexy movies.

Mas lalong naloka si Tracy dahil matitindi ang mga salitang binitawan sa kanila. Tinawag silang prostitutes, sex maniac at whores. Hinusgahan sila ng mga taong hindi naman nila kilala.

"Baka ako ang magkontra-demanda sa kanila. Wala silang karapatang husgahan at tawagin kami ng ganyan. Bold star kami pero hindi kami ‘prosti’ at ‘manyakis’," bungad ni Tracy.

"Malay ko sa nirereklamo nila? Wala akong kasalanan dun. Artista lang ako, nagtatrabaho nang matino. Naghahanapbuhay para makatulong sa pamilya ko.

"Wala akong kasalanan sa mga kinakaso nila. Kalakaran na sa pelikula na kinukunan ang mga eksena namin. Stills ang tawag dun. Hindi namin kontrolado kung saan ikinakalat ng producer ‘yun," paliwanag pa ni Tracy.

Feeling ni TT, ginugulo lang sila ng mga moralista.

"Bakit hindi nila unahin ’yun mga x-rated na VCD na nagkalat sa bangketa? Ultimong mga bata, nakakabili nu’n. Bakit kaming mga bold stars ang pinag-iinitan nila?" reaksyon pa niya.

Instead, na intindihin ni Tracy ang isinampa sa kanya ng mga moralista, mas gusto niyang seryosohin ang bago niyang negosyo. At least, dito hindi siya maghuhubad at madedemanda ng mga moralista. Ito’y tinatawag na Tracy’s Treasures (TT). Mga necklace and bracelet made of semi precious stones tulad ng Jade, Amethyst, Corales/Torquoise, Citrine, Opal, Agate, Black Onyx at Avent Urine. Katulong niya sa pagpapalago ng TT (Tracy’s Treasure) ang sister niya at ang Tita Helena (Alegre) niya.

Sa mga gustong magpagawa ng Tracy’s Treasures, tawagan si Tita Helena sa 09166679777.

Bukod dito, abala rin siya sa mga out of town shows habang nakaburo pa siya sa Leo Films. Hahataw siya sa April 25 sa Tabuyoc, Apalit, Pampanga kasama sina Rose Valencia at Stella L.

vuukle comment

AVENT URINE

BAKIT

BELINDA BRIGHT

BLACK ONYX

CANDY ALISON

GRAVE SCANDAL

TITA HELENA

TRACY

WALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with