^

PSN Showbiz

Vhong, seryoso kay Diana!

- Veronica R. Samio -
Totoong nanliligaw si Vhong Navarro kay Diana Zubiri! Inamin niya ito sa mga reporters na pumasyal sa kanya sa set ng ginagawa niyang pelikula under Star Cinema, ang Otso Otso Pamela Wan Pamela-mela Wan na kung saan ay magka-tandem sila for the first time ni Bayani Agbayani.

"Talagang seryoso ako sa panliligaw ko sa kanya. Gusto ko siya dahil sobrang ganda niya, sobrang matalino at sobrang mabait. Dahil pareho naman kaming busy kung kaya text-text lang kami. Minsan, lumalabas kami kasama ang mga kaibigan niya o kaya ay mga kaibigan ko. Never kaming dalawa lamang, lagi kaming may kasama. Alam n’yo naman na may image kami na pinangangalagaan.

"Hindi kami ngayon lang nagkakilala. Mga 13 years old lamang siya nang una kaming magkakilala, sa SM Fairview. Di pa siya artista nun at kami naman ng Streetboys ay may pino-promote na album. Tapos, matagal kaming di nagkita,until mag-guest siya sa Whattamen. Kinuha ko ang number niya, tapos text-text na kami," ani Vhong.

Paano na ang girlfriend niyang si Angelica Jones?

"Di naman naging kami ni Angelica, loveteam lang talaga kami sa movie. Totoo na nagsimba kaming magkasama sa Baclaran pero, ito naman ay bilang pasasalamat sa naging success ng pelikula naming Mr. Suave."

When asked kung di ba siya nagseselos sa karibal niyang si Vic Sotto, sinabi niyang "Hindi dahil hindi pa naman siya sinasagot ni Diana."

Ang Otso Otso ay di lamang nanggaling sa kantang pinasikat nina Vhong at Bayani na tinatawag ngayong "Princes of Comedy", titulo pa rin ito ng pelikula nila na kung saan ay ginagampanan nila ang roles ng dalawang set ng kambal na pinapaghiwalay ng kapalaran nung kanilang kapanganakan at pinagtagpo, ng kapalaran din, nung sila ay malalaki na.

Nasa direksyon ni Jerry Sineneng at nagtatampok din kina Tessie Tomas, Cherry Lou, Angelene Aguilar, Denise Joaquin, Pinky Marquez, Karl Marquez, Robin da Roza, Dexter Doria, Michelle Bayle at marami pang iba.
* * *
Maswerte si Edu Manzano na hindi lamang ang VRB ang pamumunuan kundi ang bagong itinalagang Opti-Media Law o Optical Media Act of 2003 na hindi lamang magpapalakas sa laban sa piracy kundi magbibigay pa rin ng mas malaking pagkakataon sa mga Pilipinong artista dun sa Amerika mismo.

Isa ito sa mga ipinagmalaki ni Pangulong Gloria Macapagal Arroyo nung magsalita siya sa National Arts Center sa Los Baños, Lagu- na na kung saan ay pinirmahan niya rin ang nasabing batas.

"Ginawa ko ito dahil ako ay movie fan na noong maliit pa ako. Eh maliit pa rin ako hanggang ngayon kaya movie fan pa rin ako," anang Pangulo.

Idinagdag pa niya kung gaano kaimportante sa karaniwang mamamayan ang sine, ganun din ito sa kanya. "Laging dinadala kami ng nanay ko para manood ng double program na sine, Tagalog movies silang lahat, kasama ang lola ko at ang driver namin."

Sa kanyang tatlong taong panunungkulan, higit sa tatlong milyong trabaho ang nalikha niya para sa daigdig ng pelikula.

"Sa tatlong milyong trabahong ating nalikha, palagay ko nakasagip tayo ng maraming trabaho nang ibinaba ang amusement tax, nang sinubsidize ang sine ng film festival at nang palakasin ni Bong Revilla ang kampanya laban sa film piracy."

vuukle comment

ANGELENE AGUILAR

ANGELICA JONES

BAYANI AGBAYANI

BONG REVILLA

CHERRY LOU

DENISE JOAQUIN

DEXTER DORIA

DIANA ZUBIRI

KAMI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with