^

PSN Showbiz

GMA at FPJ, sponsor sa Assunta at Jule wedding

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -
Preparations are underway para sa grand church wedding nina Assunta de Rossi and Rep. Jules Ledesma sa March 14, 7 p.m., at the Sanctuario de San Antonio in Forbes Park, Makati City.

Aside from former Ambassador Danding Cojuangco, nag-iisip sina Assunta and Jules na kunin sina Pres. Gloria Arroyo and Fernando Poe, Jr. or First Gentleman Mike Arroyo and Susan Roces as one of the seven pairs of principal sponsors.

Plano rin nilang kunin ang services ng mga singer na nag-perform sa Broadway musicals like Monique Wilson, Isay Alvarez, Robert Seña, Jenine Desiderio and Leo Valdez para kumanta sa kanilang mga guests sa reception at the Makati Shangri-La Hotel’s Rizal ballroom.    

Assunta, who will be wearing a Vera Wang gown, will be having three bridal showers — isang despedida de soltera to be tendered by the Congressional Spouses, a garden tea party na gaganapin either at the house of Jules’ mom o baka sa Manila Polo Club, and a joint bachelorette and stag party-for-a-cause tentatively slated on March 12 at the Quezon ballroom of the Shangri-La Makati Hotel.

The latter affair will have the couple’s celebrity-friends as guests. "Walang kabastusang mangyayari, walang censored portions unlike typical stag and bachelorette parties. It will be a charity event. ‘Yung celebrity-friends namin may either act as bartenders or donate something for the various charitable causes we intend to support. Pinipili pa namin ‘yung mga institution as of now," sabi ni Assunta sa previous interview.

By the way, may exclusive coverage ang ABS-CBN sa kasal nina Assunta and Jules.
*****
Very intimate ang blowout ng Bobson Boss Victor Tan for Aga Muhlach para sa kanyang 20th anniversary in showbiz last Thursday night sa Top of the City sa Citibank Tower in Makati.

Friends as in close friends lang talaga ni Aga ang invited. Kasama sa mga naki-join sina Edu Manzano, Bayani Agbayani, Rica Peralejo, Nikki Valdez, Raymart and Junjun Santiago, Arlene Muhlach, Albert and Liezl Martinez, Aga’s mom Mrs. Anita. Marami ring non-showbiz friends si Aga na present like Serafin Pua, Mons Tantoco, Bernie Concepcion among others na matagal nang kaibigan ni Aga. Kaya lang maraming naka-miss sa presence ni Mrs. Aga Muhlach, si Charlene Gonzales na nagti-taping para sa Feel At Home na ngayon ay At Home Ka Dito with Charlene na nag-start mapanood last Sunday na nakahabol naman pala bago natapos ang party.

Kasamang dumating ni Aga ang kambal - Atasha and Andres na almost two years old.

Entertainment na talaga ang kambal. Pagdating pa lang nila, gusto nang mag-jam sa acoustic group na nag-provide ng music that night.

At pag kinausap mo, talagang nakikipagtawanan. Alam na rin nila pag kinukunan sila ng picture. Pag nakita na nilang nag-flash pareho na silang naka-smile.

Proud father si Aga sa kambal na nang pinauuwi na ay nag-iiyak (kambal). Panay ang sigaw ng ‘sing’ kasi nga gusto pa nilang maki-join sa party.

Actually, last January pa nag-start ang celebration ng 20th anniversary ni Aga in showbiz, kaya lang busy din siya sa shooting ng Star Cruise, his latest movie, with Kristine Hermosa under Star Cinema.

Next week, naka-schedule silang mag-cruise para kunan ang highlight ng movie. Ten days din silang magko-cruise.

Anyway, going back to the party, I’m sure, when we left, mga 12:00 am, marami pang dumating. Ayaw pa kasing magpa-uwi ni Aga.

By the way, solo nga palang dumating si Raymart. We learned na that particular night, umalis si Claudine Barretto papuntang Los Angeles para sa premiere ng movie nila ni Piolo Pascual, na kasalukuyang pinipilahan sa Metro Manila theaters.

Nakipag-jam naman sina Bayani at Nikki sa party at nag-play ng percussion si Aga at panay din ang kanta.
*****
Join na rin pala si Regine Velasquez sa teleserye. You read it right folks! Magkakaroon na rin ng sariling teleserye si Regine sa GMA 7 kung saan makakasama niya sina Richard Gomez and Ariel Rivera.

Ayon sa source ng Baby Talk, tinanggap na raw ni Regine ang matagal nang offer ng GMA.

Hindi kaya magsawa ang tao kay Regine ngayong may sarili na siyang teleserye?
*****
Magiging regular na ang Viva Hot Babes sa pagri-relaunch ng MTB. Pero every Saturday lang mapapanood sina Katya Santos and Andrea del Rosario. Ang mga bagong member ng Hot Babes ang regular na mapapanood everyday ayon sa source ng Baby Talk.

As of presstime din, isang source ng Baby Talk ang nag-confirm na kasamang na-retain si Mickey Ferriols sa Masayang Tanghali Bayan along with Edu Manzano and Ai-Ai delas Alas. Ayon sa source, totoong sa unang meeting ng management ay mawawala na si Mickey sa show, pero biglang nagkaroon ng changes sa original plan.

Supposedly ay sina Ai-Ai, Edu and Arnell Ignacio ang magiging main hosts ng ire-relaunch ng MTB, pero biglang napasama uli si Mickey.

Actually, deserving naman talaga si Mickey na ma-retain sa show dahil magaling siyang mag-host. Puwede siyang makipag-sabayan kahit sa anong portion. Alam din niya ang ginagawa niya.

vuukle comment

AGA

AGA MUHLACH

AI-AI

ALAM

ASSUNTA

ASSUNTA AND JULES

BABY TALK

EDU MANZANO

NAG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with