^

PSN Showbiz

Hay ! Piolo,totoo bang ayaw mo nang tumambal kay Judy Ann ?

ISYU AT BANAT - ISYU AT BANAT Ni Ed De Leon -
Kung totoo nga ang mga tsismis na sinasabi ni Piolo Pascual na ayaw na raw niyang makasama sa pelikula si Judy Ann Santos, aba eh, kailangan sigurong bambuhin yang batang yan. Hindi ba niya alam na itinambal siya kay Claudine Barretto para buhatin nito ang papalamig niyang career noon? At papaano namang nangyari na gumanda ang career niya? Hindi ba dahil sa itinambal lamang siya kay Judy Ann Santos noong araw?

Bago niya nakatambal si Juday, sino ba siya? Ang tagal na panahong nag-trying hard siya noon sa Friday group ng That’s Entertainment. Ang pangalan pa niya noon ay PJ Pascual. Baka naman kung nasasabing galing siya sa That’s Entertainment ay napapa-’yuck" din siya ngayon. Ala-alaga siya noon ni Teng. Walang pumansin sa kanya noon. Payat siya at mukhang tangikngik pa.

Kahit naman noong unang pasok niya sa Starlet Circle eh, wala namang pumansin diyan, at sinasabi nga nila kagaya rin siya noon ni Miguel dela Rosa na Anthony Rojas noon sa That’s Entertainment. Hindi lang sumikat iyon dahil hindi natambal sa isang kagaya ni Juday. Si Piolo, swerte dahil pumayag si Juday na kainitan naman ang popularidad noon na tumambal sa isang nameless na gaya niya.

Kung ngayon, sinasabi nga niyang ayaw na niyang makasama si Juday, aba eh masaya siya. Ngayon nasasabi na niya iyan pero noong araw, baka naipot siya kung tinanggihan siya ni Juday.

Yan ang hirap minsan sa ibang mga artista eh. Basta umangat ng kaunti akala mo kung sino na. Ang mga tulad niya pagdating ng araw at bumagsak na ang career nila magsisisi ang mga yan.
* * *
May kaibigan kami na naghahanap ng baguhang artista. Ang kailangan niya ay leading man, mayroon na siyang leading lady. Pero natatakot naman siyang dumugin ang kanilang opisina. Kung palagay ninyo ok kayo at may hitsura ang mukha ninyo at mukhang leading man, ipadala ang inyong resume at litrato sa [email protected] o kaya naman ay mag-text o tumawag sa 0272759120. Please naman ha, manalamin muna bago tumawag o magpadala ng e-mail. Leading man quality ang kailangan.

vuukle comment

ANTHONY ROJAS

CLAUDINE BARRETTO

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

NIYA

NOON

PIOLO PASCUAL

SI PIOLO

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with