^

PSN Showbiz

Regine,nagprisintang maka-duet si Andrew E.

-
Excited ang rapper-actor na si Andrew E. sa bago niyang album na pinamagatang ‘‘Krispy Na, Kreamy Pa’’ sa ilalim ng Viva Records.

Ayon kay Andrew, ibang-iba ito sa mga nakaraang album niya dahil bago ang atake niya rito pagdating sa lyrics at melody ng bawat kanta. Dagdag pa ni Andrew na ‘‘Todo na talaga ito! Siguradong magugustuhan ito ng mga tagahanga ko kasi ibang Andrew E. na naman ang mapapakinggan nila with this album.’’

Dapat nga talagang abangan ng mga Andrew E. fanatics ang album niyang ito na bukod sa may title na nakakatawag ng pansin ay kwela rin ang carrier single na may pamagat na ‘‘Pink Palaka.’’ Ito ang 2004 version ni Andrew ng 1974 novelty hit na ‘‘Haring Solomon.’’

Isa pa sa ipinagmamalaki ng naturang rapper-actor ay ang duet nila ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez, ang ‘‘That’s Why I Love You.’’ At hindi mailarawan ni Andrew ang kasiyahan niya nang mismong si Regine ang nagprisinta upang maging guest sa kanyang album nung ito ay tinatapos pa lamang niya sa recording studio.

Maliban kay Regine, guest din ni Andrew ang kapwa niya rappers na sina Carlos Agassi at Jawtee sa kantang ‘‘Sa Club.’’ Tampok din dito ang Dongalo Bad Boyz at si DJ Coki.

Nakatakdang magkaroon ng album launching si Andrew E. sa SOP ng GMA-7 ngayon. At sa January 20 ay available na sa mga record bars ang kanyang bagong album.

vuukle comment

ALBUM

ANDREW

ANDREW E

CARLOS AGASSI

DONGALO BAD BOYZ

HARING SOLOMON

KREAMY PA

KRISPY NA

PINK PALAKA

REGINE VELASQUEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with