^

PSN Showbiz

Malungkot na naman si Nikki

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Noong mga nagdaang taon ay kiddie party ang dinadaluhan ko kapag birthday ni Shaina Magdayao, ngayong taon ay may malaking pagbabago na. Kakaibang party na this time ang nangyari. Palibhasa dalaga na nga ito. Last Saturday, ay ginanap ang 14th birthday party ni Shaina sa Moomba Bar and Restaurant sa Quezon City.

Suot ni Shaina ang isang black gown. Kasama ni Shaina na nag-aasikaso ng guests ang kanyang mga magulang, sina Mommy Deanna at Daddy Enrique Magdayao at syempre, ang ever-loyal na nanay-nanayan na si Nanay Vi. Karamihan sa mga guests ni Shaina ay mga classmates niya, kasamahan sa Talent Center at mga artistang nakatrabaho sa TV show at pelikula.

Unang dumating ang cast ng Berks na sina Carlo Aquino Marc Acueza, Cholo Barretto, Ketchup Eusebio, Sarah Christopher at Karel Marquez. Dumating din sina Camille Prats, John Prats, Bea Alonzo, Emman Abeleda, Mico Aytona, Melissa Avelino at Nikki Valdez. Syempre, hindi pwedeng mawala ang special guest niyang si Alwyn Uytingco. All-eyes ang lahat nang dumating si Alwyn. Iisa ang naging reaksyon ng lahat ng nasa venue, "Bagay na bagay talaga sina Shaina at Alwyn."

Nakita ko sa mukha ni Shaina ang kaligayahan dahil sa magandang pangyayari sa kanyang career at makitang masaya ang kanyang pamilya.

This I want to say. Isa si Shaina sa pinakamabait na batang artistang nakilala ko. Kaya sa kanyang kaarawan, dalangin ko ang kanyang kaligayahan at good health para sa kanya at sa kanyang pamilya.
* * *
Sa birthday party ni Shaina ay napansin namin ang lungkot sa mata ni Nikki Valdez. Kahit nga noong tanghali sa Magandang Tanghali Bayan, where Nikki guested, napansin ko na hindi siya bubbly. Naikwento ni Nikki na na-stroke na naman pala ang kanyang Mommy Norma.

"Noong Friday, nagti-taping ako ng Tanging Ina, bigla akong nag-worry kasi hindi tumatawag si Mommy o si Daddy. Normally, from time to time, tumatawag sila to check how I am. Kaya ako na ang tumawag. Nalaman ko na ni-rush si mommy sa nearby hospital kasi na-stroke nga. Wala akong choice but to rush to the hospital. Pinayagan naman ako ni Direk Wenn (Deramas) na umalis," malungkot na kwento ni Nikki.

Ayon kay Nikki, nagri-respond naman daw si Mommy Norma kapag pinipisil ang kamay at nakakakilala pero hindi ito makapagsalita.

"Ang hirap kapag maysakit ang isang member ng family, tapos mother mo pa. Kaya nga nahihirapan ako to mingle with people. Very obvious kapag may dinaramdam ako e," kwento pa ni Nikki.

Hindi nagtagal si Nikki sa party. Bumati lang ito kay Shaina at umalis na.
* * *
Habang sinusulat ko ang kolum na ito ay nagpalabas na ng statement si Robin Padilla tungkol sa pagbubulgar ni Liesel Sicangco na hiwalay na sila. Sa The Buzz ay live na um-appear si Robin at binasa ang kanyang statement. Walang choice si Tito Boy Abunda kundi mag-settle na lang sa binatiwang statement ng action superstar.

Sa kanyang pahayag, may mga taong sinisisi si Robin kung bakit naging magulo ang sitwasyon nila ni Liesel. Mga tao raw na siyang nagpaparating ng tsismis kay Liesel (who is now staying in Australia with their 4 kids) ng maling balita. Sinisi rin niya ang asawa dahil mas naniniwala ito sa tsismis.

Ang higit na ikinagulat ko ay ang pahayag niya na kailangan na muna niyang magpaalam sa ABS-CBN (na itinuturing niyang pangalawang pamilya). Hindi na niya magagawang tapusin ang teleserye nila ni Judy Ann Santos, ang Basta’t Kasama Kita.

"Kailangan ko pong ayusin ang pamilya ko. Paumanhin sa ABS-CBN. Pero pangako ko, kapag maayos na ang lahat, ’yung natitirang apat na buwan na kailangan kong pagtrabahuhan ay tatapusin ko," maluha-luhang sabi ni Robin.

Sa sumabog na balita sa paghihiwalay nina Robin at Liesel, iba’t ibang bersyon ang naglalabasan. May mga taong nadadamay at may ilan na nakikisawsaw.

Sa pinagdadaanan niyang problema, hahangaan mo ang tapang ni Robin. Pati ang effort niya na hindi tuluyang mawasak ang kanyang pamilya. Dahil mabait na tao si Robin, dalangin ko na hindi tuluyang mawasak ang kanyang pamilya.
* * *
You can send your comments and reactions to [email protected].

vuukle comment

KANYANG

KAYA

LIESEL

MOMMY NORMA

NIKKI

NIKKI VALDEZ

SHAINA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with