^

PSN Showbiz

Honeymoon sa Paris ang dream ni Myles

-
Masarap kausap si Myles Hernandez. She’ll make you feel at ease, parang dati na kayong magkakilala. Down to earth siya, totoong tao siya, kung ano ang lumalabas sa kanyang bibig, siya na yun talaga. She’s very charming at laging may po at opo sa kanyang pagsagot sa mga tanong.

Si Eric Ramos, editor ng FHM Magazine ang nakatuklas kay Myles. She was first featured as Girlfriend of the Month, and eventually named Girlfriend of the Year-2002.

Kasama siya sa pelikulang First Time ng Viva Films. Isang trilogy movie ito at kasama rin ang kanyang fellow Hot Babes na sina Gwen Garci at Jen Rosendahl. Mula sa panulat ni Quark Henares, sa direksyon ni Lyle Sacris. Si Jessica Rodriguez ang nagma-manage kay Myles ngayon.

Sa isang survey na isinagawa ng FHM para sa apat nilang calendar girls for year 2004, si Myles ang nanguna, garnering 37.15%.

Dahil sa lakas ng dating ni Myles, pantasya ng bayan na ang turing sa kanya ng mga barakong tagasubaybay niya. Marami silang gustong malaman tungkol sa personal niyang buhay. Her kind of man? Anong klaseng wedding ang gusto niya at kung saan nito gustong mag-honeymoon? Ano kaya si Myles during her honeymoon night?

"Wala pa po sa isip ko ang mga yan. Bago ko yan bigyan ng pansin, dapat ay nailagay ko na sa ayos ang aking pamilya. May sariling bahay at lupa para sa kanila, sasakyang maggagamit at negosyong makatutulong sa kanilang pangangailangan.

"Pero sasagutin ko po ang mga tanong nila sa akin. Hindi ako partikular sa panlabas na kaanyuan ng isang lalaki. Kung nagmamahalan kami talaga, tatanggapin namin ang isa’t isa no matter what.

"Kasalan? Honeymoon? Kung paano ako sa first night namin? Simpleng kasalan lang, pwede na sa akin. Ang gusto ko kapag nag-honeymoon kami, sa Paris. Yun ang place na gusto kong puntahan, kung kakayanin namin. Gusto ko sa guy, syempre yung marunong na, ‘no! Hindi ako pwedeng sunud-sunuran lang, palaban din siyempre ako to prove na mahal ko rin siya!"— Ben Dela Cruz

vuukle comment

BEN DELA CRUZ

ERIC RAMOS

FIRST TIME

GIRLFRIEND OF THE MONTH

GIRLFRIEND OF THE YEAR

GWEN GARCI

HOT BABES

JEN ROSENDAHL

MYLES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with