^

PSN Showbiz

Maui, tumanggi rin kay Mikey

- Veronica R. Samio -
Nung una, naisulat ko na tinanggihan ni Angelika dela Cruz ang isang movie na makakasama sana niya si Mikey Arroyo. Isa pang aktres ay umayaw sa isang pelikula na tampok din ang presidential son.

"Wala itong personalan. Nagkataon lamang na bida si Mikey sa pelikula na ayaw ko munang tanggapin dahil parang nasagad ako nitong mga nakaraang buwan. Gusto ko na munang magpahinga," anang sexy star ng Viva at isa sa mga Hot Babes.

May inilabas ang Viva na VCD ni Maui. Pinamagatan itong Maui Taylor: Sex Goddess. Pangatlo ito sa mga sexy VCD series na sinimulan ng Hot Babes at sinundan ng Bare Naked ni Patricia Javier.

Sa direksyon ni Rico Gutierrez, itinatampok si Maui sa video at her sexiest. Kinunan ito sa isang napakagandang private beach. Labing- isang sex goddesses ang ginagampanan dito ni Maui (Goddess of the Ocean, the Virgin Goddess, the Lady Silkworm at marami pang iba na siguradong magbibigay ng pantasya sa mga kalalakihan. Ginamit dito ng direktor ang kanyang kaalaman sa kamera para ma-highlight ang beauty ni Maui. Makikita sa video ang kahusayan ni Maui na makipaglaro sa kamera sa loob ng 60 minuto.

Mabibili ang Sex Goddess sa halagang P250 sa VHS/VCD at P450 sa DVD.

In demand si Maui sa mga sexy shows. Kung dati ay palagi siyang bahagi ng Hot Babes, ngayon ay may mga solo shows siya na ginagawa. Kagagaling lamang niya sa Cebu na kung saan ay SRO ang palabas niya. "Wala na silang mahihiling pa. Naka-t-back ako sa show na see through.

"Ganito rin ang palabas naming magkakasama ng Hot Babes. Magandang audience ang mga Cebuanos. Hindi makuntento na tinutukso lamang sila, they want more na ibinigay naman namin."

Bakit naman sa Manila, parang dinadaya nila ang kanilang audience? Mag-bare man sila, parang ilang segundo lang. "Ang performance namin ay depende sa audience namin. Kung anong gusto nila, ’yun ang ginagawa namin," sabi pa ni Maui.

Maui is slated to go to Hongkong in October. Sa Sept. 25, nasa Palawan siya kasama ang Masculados. May negotiation pa for her to perform in Singapore.

"Can you blame me kung hindi na ako makatanggap pa ng more movies? I’m exhausted, baka last movie ko na for this year ang Bugbog Sarado with Victor Neri," pagtatapos niya.
* * *
Totoo kaya na mas pinilahan ang pelikula ni Kat de Santos kaysa sa pelikula ni Katya Santos? Nakaapekto raw sa pelikula ang sinabi ni Katya na wala siyang bold scenes sa movies dahil nag-concentrate siya sa action? Sana raw hindi na niya ito ginawang focused ng kanyang promo for the movie dahil nawalan ng gana ang mga manonood.

Ganito rin daw ang naging kapalaran ng isang movie ni Maricar de Mesa, hindi sinuportahan ng manonood dahil sinabi niyang hindi siya nag-bare sa movie.

vuukle comment

BARE NAKED

BUGBOG SARADO

GANITO

GODDESS OF THE OCEAN

HOT BABES

KATYA SANTOS

MAUI

SEX GODDESS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with