^

PSN Showbiz

Edgar Mortiz, nasa GMA na rin?

- Veronica R. Samio -
Isang mapagkakatiwalaang source ang nagkwento sa akin na si Edgar Bobot Mortiz ang nag-iinterview ng mga aplikante para sa bagong serye na gagawin ng GMA 7. Posibleng si Bobot din ang magdidirek ng nasabing serye. Pero, hindi ba nasa ABS CBN siya? Bukod sa artista siya ng nasabing network ay direktor pa rin siya rito. Di kaya siya exclusive sa Dos tulad ng kanyang mga sisters-in law na mga "ate" ng kanyang misis na sina Charo Santos Concio at Malou Santos? Posible kayang umalis na siya rito at lumipat na ng istasyon?
* * *
Balak pala ng mag-asawang Mayor Rey and Mrs. Gigi Malonzo na i-revive ang kanilang Twin Dragons Film outfit. Marami rin itong nai-prodyus na pelikula in the past. Ngayong nagbalik-showbiz na si Mayor Rey at ang anak naman nilang si Christopher PJ ay aktibo na sa pelikula, makakatulong ang mga ito na mapasikat muli ang kanilang kumpanya and vice versa.

Bagaman at pwedeng-pwede pa rin namang mag-artista si Gigi, masyado itong abala sa kanyang pagtulong kay Rey sa pamamahala ng kanilang lungsod. Bukod dito, gagawin ng isang oras ang kanyang palabas sa TV na Today’s Mom. Bukod sa madaragdagan ang mga segments nito, magkakaroon pa ito ng drama portion.

At kung bubuksang muli ang kanilang movie outfit, kakailanganin din dito ang kanyang serbisyo. Plus papasok pa siya ng politics. Sa’n pa niya ilalagay ang kanyang katawan?
* * *
Nagbabalak na rin si Carlos Agassi na magbukas ng mga branches ng kanyang Dickies at Foottrip. "One year na ang mga ito kaya pwede nang sundan. Maganda rin naman ang kita ng mga ito," ang sabi ni Carlos nang makausap ko para sa promo ng kanyang pelikulang Pinay Pie na ang isa sa mga highlights ay ang kissing scene nila ni Aiai delas Alas.

Bagaman at mayroon naman siyang operations manager para sa mga nasabing establishments, makakatulong din si Carlos sa pamamahala ng mga negosyo niya dahil dadalawa lamang ang regular niya sa TV, ang ASAP at Buttercup.

vuukle comment

BAGAMAN

BUKOD

CARLOS AGASSI

CHARO SANTOS CONCIO

DRAGONS FILM

EDGAR BOBOT MORTIZ

KANYANG

MAYOR REY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with