^

PSN Showbiz

Umamin ka na Alex

-
Ilang ulit nang pinatunayan ni Alessandra de Rossi ang galing niya sa pag-arte. Ang ipinagmamalaking pelikula ni Gil Portes, ang Mga Munting Tinig, na nagbigay din ng acting award kay Alex ay kasalukuyang umiikot at pinag-uusapan sa iba’t ibang bansa. Hindi lang ng ating mga kababayan, kundi pati ng mga banyagang nakapanood na ng pelikula.

Mag-uumpisa na si Alessandra this coming September para sa pelikulang Mano Po 2. And this is another acting vehicle para sa nakakabatang De Rossi. Gaganap siya bilang rebel daughter (Ingrid) ni Lorna Tolentino whom we heard, as of last night lang daw, August 4 ay pinal nang napili para sa third wife role.

So, ano na kaya ang mangyayari kay Dina Bonnevie, di ba’t pinagtatalunan ang bitchy role na yun ng ikatlong asawa? This only means, hindi pa talaga oras para pumapel na kontrabida kay Lorna T si Dina B.

Abala ngayon si Alex sa kanyang sitcom sa Siyete, ang Kool Ka Lang, Oo Naman. Nakatakda siyang gumawa ng isang bagong soap opera, also on GMA 7. Nakarating sa amin, uumpisahan nila ito this coming October.

Siya na ngayon ang bagong image model ng Her Bench Apparel and underwear. Kapipirma lang nila ng kontrata. May isa pa siyang product endorsement na gagawin para sa kumpanya ni Mr. Ben Chan, ang Her Bench Bags.

Bagamat at madalas na silang magkasama ni Oyo Boy Sotto, wala pang kumpirmasyon mula sa kanila mismo that there’s something more than friends going on. Parehong libre ang dalawa at sa nakikitang sweetness sa kanila ngayon, may kailangan na siguro silang aminin. Ben Dela Cruz

vuukle comment

ALESSANDRA

ALEX

BEN DELA CRUZ

DE ROSSI

DINA B

DINA BONNEVIE

GIL PORTES

HER BENCH APPAREL

HER BENCH BAGS

KOOL KA LANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with