^

PSN Showbiz

Ang frustration ni Boyet

- Veronica R. Samio -
Kung hindi naging isang artista sa pelikula si Christopher de Leon, he could have easily made it as a singer. Ang talino niya ay hindi lamang limitado sa pag-arte, mayroon din siyang isang magandang singing voice which comes in handy kapag lumalabas siya ng bansa para mag-show. Katunayan, kararating lamang niya mula sa isang concert sa Las Vegas at San Francisco, USA. Nanghihinayang nga siya dahil mas kumita siya kung mayroon lamang siyang album na ginawa at nadala dun. Madali niya itong maipagbibili tuwing makakatapos ang kanyang concert na tulad nang ginagawa ng maraming artists natin na gumagawa ng mga shows dun.

"Ito nga ang frustration ko. Wala man lamang akong album na ginawa although napakarami kong mga kinanta sa mga pelikulang ginawa ko at nakasama pa sa mga movie soundtracks nito," anang magaling na aktor sa presscon ng kanyang pang-Manila Film Festival movie. Ang Pangarap Ko Ang Ibigin Ka under Viva Films. Kapareha niya rito si Regine Velasquez sa ilalim ng direksyon ni Louie Ignacio. Dito ay mayroon siyang song number, ang "Can’t Take My Eyes Off You".

Actually, nabigyan na ng pagkakataon si Christopher na magkaroon ng singing career sa Dyna Records. Tinatrabaho na ito ng producer at katunayan ay nagbigay na ng pera na magagastos para dito si Howard Dy ng Dyna pero, hindi pa rin ito natuloy.

"Wala ako ni isa mang album pero, marami akong ginawang singles. "Sinasamba Kita", "Bituing Walang Ningning". Yung "Bakit Ngayon Ka Lang" ay originally sa amin ni Alice Dixson, yung "Sana Ay Ikaw Na Nga" ay sa amin naman ni Vina Morales. Frustration ko talaga na di ako nagkaroon ng album," dagdag pa niya.

Napakaswerte ni Boyet. After more than 20 years in the business, wala pa rin nakikita na maaaring pumalit sa kanya as far as looks and talent are concerned. Siya pa rin ang paboritong leading man ng mga aktres ngayon, Nora Aunor, Hilda Koronel, Vilma Santos, Lorna Tolentino, Dina Bonnevie, Sharon Cuneta at si Vina Morales.

Ikalawang pagkakataon nilang magkakatambal ni Regine Velasquez sa Pangarap Ko Ang Ibigin Ka. Una silang nagkasama sa Wanted Perfect Mother.

Siya ang nasa isip ng writer nang gawin nito ang istorya ng movie tungkol kay Raffy, isang matagumpay na negosyante at nagtataglay ng lahat ng katangian ng isang perfect man.

"Tulad ni Christopher," ani Regine. "Alam kong maraming aktor na pwedeng gumanap ng role pero, pinaka-bagay kay Christopher," dagdag pa niya.
*****
Hindi lang sa kaanyuan maituturing na napaka-daring ng bagong tuklas na bituin ni Tikoy Aguiluz na si Juliana Palermo, isang FilAm na sa Tate lumaki, kundi maging sa pananalita. Ginulat niya ang mga press na una niyang nakilala sa kanyang launching sa mga prangka at walang gulat na pagsagot sa mga tanong na may kinalaman sa sex. Hindi marahil siya magiging kagulat-gulat kung hindi siya 18 taong gulang lamang.

Isinilang sa Davao si July, palayaw niya, at sumama sa kanyang ina sa US nung 11 years old siya. Umuwi lamang siya kamakailan para magbakasyon.

Sumagot siya sa panawagan ng Maverick Films para sa isang bagong mukha na gaganap ng title role sa pinaysex. com (dating web diva.com).

Sinwerte siyang mapili. Sa pelikula na maraming siyang breast exposure, tampok din sina Angelu de Leon, Gary Estrada at Carlo Maceda.

vuukle comment

ALICE DIXSON

BAKIT NGAYON KA LANG

BITUING WALANG NINGNING

NIYA

PANGARAP KO ANG IBIGIN KA

REGINE VELASQUEZ

SIYA

VINA MORALES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with