^

PSN Showbiz

Miriam, nag-iisip nang mag-asawa

RATED A - Aster Amoyo -
Isang mayamang Italian businessman na naka-base sa Hong Kong ang kasintahan ngayon ng dating Miss Universe runner-up turned TV host-actress na si Miriam Quiambao. Kahit magkalayo ang dalawa, hindi ito hadlang sa kanilang pag-iibigan dahil hindi naman kalayuan ang Hong Kong sa Pilipinas.

Ayon sa huling balitang nakalap namin, niyaya na umano ng Italian guy na nagngangalang Klaudio na magpakasal sila ni Miriam at ito’y seryoso na ring pinag-iisipan ng dating beauty queen.

Kung matatandaan, nakatakda na ring ikasal noon si Miriam sa kanyang long-time boyfriend na non-showbiz pero hindi ito natuloy, ito’y nauwi sa paghihiwalay. Nagkarelasyon sila ni Hans Montenegro pero nagkahiwalay din sila hanggang makilala ni Miriam ang Italian guy na ito.

Samantala, parehong effective si Miriam at Paolo Bediones sa ipinakitang acting sa kanilang debut movie, ang Walang Kapalit na pinangunahan nina Sharon Cuneta at Richard Gomez.

Sayang nga lang at hindi pa sina Miriam at Paolo ang magkasintahan. Nung panahong gustong ligawan ni Paolo si Miriam ay commited ito sa iba at nang mag-break naman sina Miriam at ng boyfriend nito ay may girlfriend naman si Paolo.
* * *
Mukhang smooth ang relasyon ng magkasintahang Dominic Ochoa at Janna Victoria. Magdadalawang taon na rin sila. Habang lie-low ang career ni Janna, concentrated naman ito sa kanyang beauty products business. Sa part naman ni Dominic, on the upswing naman ang kanyang career. Isa siya sa mga endorser ng Talk N Text at maganda rin ang takbo ng kanyang regular weekly sitcom, ang Whattamen. Maging ang pelikulang kanyang sinalihan ay pawang pumalo sa takilya.

Dahil karamihan ng kasamahan ni Dominic ay pawang may mga kanya-kanyang negosyo, napag-isip-isip niya na it’s about time na rin na mag-venture na rin siya ng sarili niyang negosyo. Sa tulong ng dating mga ka-negosyo ng yumaong si Rico Yan sa Orbits pearl shake drinks, nag-isip sila ng ibang negosyo, ang Thumbs up ice cream stalls na matatagpuan sa SM Fairview at SM Centerpoint and soon sa Ever Ortigas, Shangri-La Plaza Food, SM Bicutan at SM City.
* * *
Patuloy ang pagiging hitmaker ng singer-composer na si Ogie Alcasid. Ang kanyang mga awitin ay hindi lamang siya ang nagpapasikat kundi maging ang ibang kilalang mang-awit at isa na rito ang kaibigan niyang si Regine Velasquez at si Piolo Pascual.

Sa pinakabagong CD album ni Ogie under Viva Records, ang Mga Kwento ng Pag-ibig, 15 mga bagong komposisyon ang kanyang pinagsama-sama.

Si Ogie happily married sa Australian beauty na si Michelle Van Eimeren at mayroon na silang dalawang supling-sina Leila at Sarah Kate.
* * *
E-mail me at: <[email protected]>

vuukle comment

DOMINIC

DOMINIC OCHOA

EVER ORTIGAS

HANS MONTENEGRO

HONG KONG

JANNA VICTORIA

KANYANG

MIRIAM

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with