^

PSN Showbiz

Jordan, binigyan ng Explorer ni De Nero

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Sinasabi na nga ba namin, pagkahaba-haba man ng isyu ay sa isang senaryo lang mauuwi ang lahat, sa pagbabalikan.

Kamakailan lang ay nagkasundo na uli ang nag-alitang magkaibigan na sina Jordan Hererra at Jojit de Nero, naganap ang kanilang pagbabati bago nagdiwang ng kaarawan ang baguhang aktor, kaya paboritong paksa na naman ngayon sa mga blind items ang bagong sasakyang minamaneho ni Jordan.

Natural, dahil nagkasundo na nga uli ang dalawa, ay ipinapalagay ng marami na ang bagong Explorer na minamaneho ng baguhang aktor ay regalo ng mayamang negosyante.

Nu’ng tanungin namin si Jojit kung gaano katotoo ang balita ay ayaw umamin ng businessman, ibinenta lang daw ni Jordan ang dati nitong sasakyan, saka bumili ng bago.

Nasukol lang namin si Jojit nang sabihin namin sa kanya na nandu’n pa rin naman ang dating sasakyan ni Jordan (RAV-4), hindi naman nito ibinenta, kaya napatawang-napailing na lang si Jojit.

Kunsabagay, bago naman namin pinakisawsawan ang isyu nang naganap na hidwaan sa pagitan nina Jojit at Jordan ay tinanggap na namin sa aming sarili na isang araw ay matatalo kami sa laban.

Totoong nasaktan si Jojit sa nangyari sa kanila ni Jordan, totoo ring pansamantala ay gusto na niyang kalimutan ang baguhang aktor, pero puso pa rin ang namayani sa bandang huli.

Ang mahalaga ay masaya na naman ngayon si Jojit, kulay rosas na naman ang kanyang kapaligiran, namaalam na siya sa pagkalungkot at maligaya na naman siya ngayon.
* * *
Gustong payuhan ng kanyang mga kaibigan ang isang komedyanteng madalas nating mapanood sa telebisyon, pero hindi nila alam ang atakeng kanilang gagawin, baka raw kasi masamain ng komedyante ang kanilang pagmamalasakit.

Nalululong daw kasi ang komedyante sa sugal, lahat daw ng kinikita ng komedyante sa halos araw-araw na pagho-host ay nauubos lang sa casino, kaya pati ang negosyong kanyang itinayo ay naaapektuhan na rin ngayon.

Mabuti raw sana kung maliit na halaga lang ang natatalo sa comedian-host kapag nagpupunta siya sa casino, pero hindi nga, marami ang hinayang na hinayang sa daan-daang libo niyang ipinatatalo.

Sabi ng aming source, "Nagsimula lang siya sa slot machine, paganu’n-ganu’n lang, hanggang sa matutuhan na rin niya ang ibang klase ng sugal.

"Nu’ng mga sumunod na buwan, malakihan na siyang tumaya, umuuwi naman siyang luhaan palagi, kaya nakapanghihinayang naman ang mga pinaghihirapan niya!" sabi ng aming impormante.

Marami rin ang nakakapansin na palaging iritado ngayon ang komedyante sa pagtatrabaho, konting bagay lang daw ay sapat na para ipag-init ng kanyang ulo, kasi nga’y halos wala na siyang tulog dahil sa pagbabad sa sugalan.

Magdamag siyang nagsusugal, kapag natatalo’y mainit pa ang ulo, talaga ngang maaapektuhan ang kanyang pagtatrabaho kapag ganu’n nang ganu’n ang nangyayari.

Minsan nang pinangaralan ng kasamahan niyang host ang komedyanteng ito, pero hindi rin siya nakinig, parang nagsalita lang daw sa hangin ang may-edad na host.

"Kapag hindi siya tumigil sa kasusugal, eh, nakakapanghinayang siya, pati ang negosyo niya, tiyak na babagsak ‘yun!" sabi pa rin ng aming kakuwentuhan.

vuukle comment

GUSTONG

JOJIT

JORDAN

JORDAN HERERRA

KAMAKAILAN

LANG

NAMAN

RIN

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with