50 taon na si Nora
April 4, 2003 | 12:00am
Maraming babae ang ayaw magsabi ng totoo nilang edad. Kaya nga maraming artista ngayon na sa pagsisimula pa lamang ng kanilang career ay ibinababa na ang tunay nilang gulang.
Sorry na lang yung mga celebrities like Nora Aunor and Vilma Santos na alam na alam ng tao kung ilang taon na sila.
Sa May 21, ipagdiriwang ni Nora ang kanyang ika-50th birthday. Vilma will be celebrating her sa Nov. 3. Mga golden girls na sila.
To celebrate her golden year, magdaraos ng kanyang concert sa Araneta Coliseum si Nora na pinamagatang Gold.
Di tulad ng mga nakaraan niyang birthday concert na pawang mga pamilya niya ang lumalabas, o di kaya ay mga exes niya, like Tirso Cruz III and Christopher de Leon, ang lalabas sa Gold ay mga kabituin ni Nora sa telenovela niya sa ABS CBN na Bituin. Tulad nina Carol Banawa at Desiree del Valle, gumaganap na mga anak niya sa nasabing palabas. At sina Michael Santana, Cherie Gil, Celia Rodriguez, Jestoni Alarcon, Cherry Pie Picache, Efren Reyes, Jr., Gardo Versoza, Sylvia Sanchez, Michael de Mesa, John Lapuz, Carlo Muñoz, Tado at Harlene Bautista.
Ipakikita sa Gold ang ibat ibang stages sa buhay ni Nora pagiging singer, aktres, isang babae who speaks her mind and follows her heart.
Ang Gold ay nasa direksyon ni Al Quinn at sinulat ni Ricky Lee. Prodyus ni Norie Sayo para sa Ace Entertainment.
Bahagi ng pagdiriwang ng golden year ni Nora ay ang pagtatanghal ng Himala na ginawang isang rock opera sa CCP sa huling bahagi ng taong ito. Sa pelikulang ito ni Ishmael Bernal at Ricky Lee, kinilala ang kahusayan ni Nora ng Metro Manila Film Festival at Berlinale.
Baka kapag nakatapos si Nora sa mga proyektong ito ay magawa na niya ang pelikula na ino-offer sa kanya ng Star Cinema.
Sa nakaraang walong buwan, marami sa mga talino na iti-train dito ay nagsimula na ang career sa pelikula at TV.Tuwing Sabado, may Improv/Scene Study sessions ang mga kabataan na mismong si Villacorta ang nagpa-facilitate.
Magsasagawa ng Summer Acting Workshops ang Wings Entertainment sa Abril 29 at Mayo 31. Nag-iimbita ito ng mga interesadong sumali. Tumawag lamang sa 5248454, 0917-8415311 at 0917-7921742.
Nakatakda ring isagawa ang the film forum sa buwan ng Hunyo sa PICC. Tampok dito ang isang Lecture Series at filmmakers Series tungkol sa History of Philippine Movies, The Early Filipino Filmmakers, The Filipino Film and Philippine Politics at History of World Cinema.
Ang grupo ay kasalukuyang nagri-rehearse para sa play ni Bienvenido Noriaga, Jr. na Bayan-Bayanan na ipalalabas sa PICC sa buwan ng Hulyo.
Ang mga talino na kasalukuyang nagsasanay sa ilalim ng Wings Entertainment ay sina Robert Correa, isang character actor na napanood na sa mga pelikulang Two Timer, Intermates, Bakit Papa?, Pangarap Ay Ibigin Ka, Walang Kapalit at Xerex. Sa TV ay nakalabas na siya sa Ikaw Lang Ang Mamahalin, Kung Mawawala Ka at Kay Tagal Kang Hinintay. Nakalabas na siya sa komersyal ng Pag-ibig Fund, Cebu Pacific at Charantia.
Hannah Evangelista, nakalabas na rin sa Xerex at Mano Po at mapapanood sa bagong telenovelang Hawak Ko Ang langit.
Cyra McLayne, host ng Tropang Pinoy.
Jas Garcia, ramp at print model.
Alda Lou Buslon, executive producer ng Tropang Pinoy at nagsanay bilang character actress.
Faith Hizon, isang commercial model at nakapag-guest na sa mga programang The Breakfast Show, Tell The People, Sis, atbp.
Karen OHara, ramp at print model, anak at pamangkin ng dalawang magagaling na direktor. Napanood na sa Bakit Papa? at magpapamalas ng acting sa Walang Kapalit, Pangarap Ay Ibigin Ka at Xerex.
Lanvin Anthony, isang Info Tech grad, commercial model at nakalabas na rin sa ilang pelikula.
Rachelle Anne Terry, regular host ng Tropang Pinoy.
Karamihan sa mga talinong ito ay may edad, 13 at 14. Pinakamatanda ay may edad na 23.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended





















