^

PSN Showbiz

Bakit puro babae ang binabangga ni Joey?

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Biglang kumambyo sa iba ang mga pangyayari, sa halip na kami ni Konsehal Anjo Yllana ang mag-away dahil sa balitang sinulat namin na binugbog ng aktor-pulitiko ang asawa nitong si Jackie Manzano ay may isang taong kapos sa pansin na nakisawsaw sa isyu.

Pinersonal kami ni Joey de Leon habang ipinaglaladlaran ng TV host ang pahayagang pinagsulatan namin ng balita ay kawag naman nang kawag ang kanyang dila sa paghabi ng mga pamimintas na personal, na para bang napakaperpekto niyang tao.

Sabi ni Joey habang tinitingnan ang aming by-line sa hawak niyang diyaryo, "Ito ang inalisan na ng show na nakabalik lang eh! Gusto siguro niyang mag-ingay kaya ganyan ang mga pinaggagawa niya!

"Mag-show na lang kayo nang mag-show, mga tarantado! Saka sa susunod na kukuha kayo ng host, mamili naman kayo ng maganda!

"Hindi ako guwapo, pero pangit ang isang ito!" madiin niyang pahayag, sabay ladlad at tingin uli sa aming by-line sa hawak niyang pahayagan.

Kailanman ay hindi kami nakipaglokohan sa aming sarili, alam namin ang aming kapasidad at alam din namin na kung ganda ang pag-uusapan ay kapos kami, sa madaling salita ay regular kaming nananalamin.

Ang katotohanan ay hindi nakapananakit ng damdamin, ang katotohanan ay tinatanggap, at hindi namin kinokontra ang pagkadiin-diing sinabi ni Joey na pangit kami.
* * *
Ngayon lang namin napagtagpi-tagpi ang mga pangyayari, oo nga, puro kababaihan ang mga nakakabangga ni Joey de Leon, wala pang balitang lumabas tungkol sa kanya na kapwa niya lalaki ang kanyang kabanggaan.

Minsan na niyang nakabangga si Manay Lolit Solis, si Ate Luds (Inday Badiday) ay binira-bira rin noon ni Joey.

Nakakaawa rin si Aiai delas Alas sa lantarang panlalait ni Joey sa baba ng Comedy Concert Queen, at ngayon nga ay kami naman ng newscaster na si Korina Sanchez ang pinagtitripan niya sa ere.

Sana nga, isang araw ay mapabalita naman na nakikipagbanggaan si Joey de Leon sa kapwa niya lalaki, para hindi puro babaeng walang kalaban-laban ang kanyang kinakayan-kayanan.

vuukle comment

AIAI

ANJO YLLANA

BIGLANG

COMEDY CONCERT QUEEN

INDAY BADIDAY

JACKIE MANZANO

JOEY

KORINA SANCHEZ

LOLIT SOLIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with