^

PSN Showbiz

KC, pila-pila ang manliligaw

THAT'S ENTERTAINMENT - Kuya Germs -
Ang bilis talaga ng panahon, parang kelan lang noong mag ninong ako sa binyag kay KC Concepcion, ngayong ganap ng dalaga si KC. Magdi-debut na siya sa Lunes, April 7.

Naalala ko tuloy nung nasa Broadway pa kami para sa GMA Supershow na binigyan ko ng isang kwarto si Sharon Cuneta dahil lagi niyang bitbit noon si KC na wala pang sampung taon gulang noon. Pati ang kanyang lola Elaine ay kasa-kasama rin parati noon.

Madalas ko ring kargahin si KC noon at likas na talaga siyang maganda, bata pa lang. Ngayon, aba’y pila-pila ang gustong manligaw.

Pero kahit ganoon, hindi siya nagbibigay ng sakit ng ulo sa kanyang ina. Namana niya ang kagandang loob ni Shawie inside and out.

Pinanood ko rin siya sa The Little Mermaid at talagang, Sharon na Sharon ito. Very talented rin talaga siya. Kung sabagay parehong talented ang kanyang magulang.

Sa isang linggo, ganap na siyang dalaga. At sino nga namang magulang ang papayag na palampasin ang ganitong pagkakataon. Siyempre, isang engrandeng selebrasyon ang magaganap.

Sa iyo apo isang maligayang kaarawan!

vuukle comment

CONCEPCION

LITTLE MERMAID

MADALAS

MAGDI

NAALALA

NAMANA

NGAYON

PATI

PERO

SHARON CUNETA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with