^

PSN Showbiz

'Munting Tinig', inisnab din ng FAP

RATED A - Aster Amoyo -
Pagkatapos ni Rica Peralejo, naging sunud-sunod ang mga sexy stars na ni-launch ng Viva Films. Nariyan si Maui Taylor sa Gamitan, si Katya Santos sa Sukdulan at si Andrea del Rosario sa Lupe plus an array of new faces na naka-line up na rin for sexy stardom.

Sa mga sexy stars ngayon ng Viva, kapansin-pansin ang pagiging mabili ni Maui Taylor dahil sunud-sunod ang kanyang movie projects sa Del Rosario-helmed film outfit.

Magkasama sila ni Katya sa Sex Drive at siya rin ang leading lady sa action drama movie na Masamang Ugat na tinatampukan nila Ace Vergel, Eddie Garcia, Victor Neri at Mikey Arroyo at nakatakda niyang simulan ang Ang Huling Birhen sa Lupa.

Syempre pa, natutuwa si Maui sa magandang takbo ng kanyang career ngayon.
* * *
Hanga kami kina Patrick Garcia at Jodi Sta. Maria sa pareho nilang pagiging honest na wala silang romantic involvement sa isa’t isa dahil meron na silang ibang mahal.

Aware sina Patrick at Jodi na silang dalawa ang bini-build up na loveteam ng Talent Center at tanggap ng mga fans ang kanilang team up. Ang dalawa ay kasama sa bagong simulang teleserye ng Dos, ang Darating ang Umaga.

The same goes with Dingdong Dantes at Tanya Garcia, mga pangunahing bituin ng Sana ay Ikaw na Nga. Ang kaibahan nga lamang, hindi sila pareho open pagdating sa kanilang lovelife. Marami ang nagsasabi na very much on pa rin sina Dingdong at Antoinette Taus habang si Tanya naman ay may non-showbiz boyfriend.
* * *
May kung ilang linggo na ring wala si Janno Gibbs sa SOP kaya marami tuloy ang naniniwala na mukhang hindi na interesado ang mister ni Bing Loyzaga na bumalik sa Sunday musical program ng GMA-7. Nabalitaan din namin na malapit na rin umanong mawala sa ere ang Beh, Bote Nga kaya pinag-iisipan marahil ni Janno ang alok sa kanya ng Dos.

Semi-regular din siya sa Eat Bulaga pero bihira na rin siyang makita sa programa.

May problema kaya si Janno sa GMA? Just asking?
* * *
Nakakalungkot namang isipin na inisnab din ng FAP ang pelikulang Munting Tinig to think na ito ang kanilang piniling pelikula para maging official entry sa Oscar Awards para sa Best Foreign Film category.

Ang pelikulang Munting Tinig ang humakot ng may pinakamaraming awards nung nakaraang Star Awards for Movies ng PMPC.

Naging mahigpit din ang labanan sa pagitan nina Vilma Santos (for Decada ’70) at Alessandra de Rossi (for Munting Tinig) para sa Best Actress trophy.

Kung inisnab ng FAP ang Munting Tinig, nariyan pa naman ang FAMAS at Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino. Pero ang nakapagtataka, umikot na sa iba’t ibang international film festivals ang Munting Tinig at pinarangalang isa sa sampung makabagong Asian classics ng American Film Institute sa Los Angeles nung nakaraang taon.
* * *
Nagbunga rin ang kontrobersya sa pagitan nina Angela Velez at Regine Tolentino na nagsimula lamang sa kanilang dance showdown sa ASAP kung saan nadulas at nasaktan si Regine dahil sa gaas na ginamit ni Angela na siyang unang nag-perform.

Plano ng bagong tatag na Wild World Entertainment na pagsamahin sa isang pelikula sina Regine at Angela na ididirek ni Joey Romero.

Speaking of Wild World Etertainment, hindi natuloy ang showing ng kanilang initial release na Bold Star dahil kailangan pa umanong magre-shoot ng ilang eksena sa pelikula. Ang nasabing pelikula ay siyang maglulunsad into full stardom sa baguhang si Candy Allison na malaki ang hawig sa dati kong alagang si Jennifer Mendoza.
* * *
Matagal-tagal ding nabakante sa pagdidirek si Tony Reyes hanggang sa pare-pareho silang mag-comeback ng Octo Arts Films at ni Vic Sotto sa pelikulang Lastikman.

Dahil sa resulta ng Lastikman, muling naging in-demand si Direk Tony. Kinuha siya ni FPJ sa bago nitong ginagawang pelikula with Efren "Bata" Reyes sa ilalim ng FPJ Productions. May dalawa siyang gagawing pelikula sa bakuran ng OctoArts Films at kinukuha rin siya ng Wild World Entertainment para idirek ang launching movie ni Allan K na pinamagatang Super Man, isang comedy-fantasy.
* * *
Kasalukuyang tinatapos ni Mikey Arroyo ang pelikulang Masamang Ugat na pinagsasamahan nila ni Ace Vergel, Eddie Garcia, Victor Neri, Maui Taylor at Gwen Garci na pinamamahalaan ni Willy Milan.

Honored si Mikey dahil sa kauna-unahang pagkakataon ay katrabaho niya ang dalawa sa mga hinahangaan niyang actor-sina Eddie Garcia at Ace Vergel.

vuukle comment

ACE VERGEL

CENTER

EDDIE GARCIA

MASAMANG UGAT

MAUI TAYLOR

MIKEY ARROYO

MUNTING TINIG

VICTOR NERI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with