^

PSN Showbiz

Viva Box Office sa ABC

-
Magkakaroon ng pagbabago sa ABC 5, simula ngayong Marso.

Ang ABC 5 ay may hinandang iba’t ibang putahe para sa lahat, mula sa real TV to foreign drama series, mula sa cool anime to youth-oriented shows, mula sa videoke shows to comedy sitcoms, mula sa musical specials to music videos, mula sa news and current affairs to public service, at ngayon – meron na ring blockbuster Tagalog movies.

Para sa isang total weekend entertainment, nag-launch ng two prime time local blockbuster movie slots ngayong Marso, a co-production venture with Viva Production Inc.

Scheduled tuwing Sabado 9:00 p.m., simula March 8 ang Viva Box Office (VBO) na pinangungunahan ng mga bigating teenage movies ng Viva starring Judy Ann Santos, Dingdong Dantes, Assunta de Rossi, Aga Muhlach, Andrew E., Rica Peralejo at Donita Rose.

Tuwing Linggo naman, 9:00 p.m., simula March 16 ay mapapanood na ang Viva Cine Idols, isang movie festival na tatampukan ng isang movie idol bawat buwan. Handog ngayon Marso ng VCI ang isang Regine Velasquez Festival, na susundan naman sa Abril ng isang Vilma Santos at Robin Padilla festival.

Ang ABC at Ideal Minds Corp., ang nagpaumpisa ng real TV genre sa bansa ay gumawa na naman ng dalawang groundbreaking shows – The Misadventures of Maverick and Ariel and Brainfreeze.

The The Misadventures of Maverick and Ariel ay umiikot sa buhay ng dalawang hindi ordinaryong lalaki na may kakaibang mga pangarap. Sina Maverick at Ariel, na parang kalalabas lang sa isang disco movie, ang mga so-called stars sa series na ito na may halong pagpapatawa, drama at mga real-life situations na pumapaloob sa isang highly entertaining 30-minute show.

Ang Misad ay magsisimula na sa ngayong Lunes 9:30 p.m.

Ang Martes ninyo ay pihadong mag-iiba pag ang Brainfreeze ay nag-umpisa sa inyong TV screen sa March 4 at 8:30 p.m. Itong bagong teen show ay sumasalamin sa buhay ng mga kabataan, ang kanilang active lifestyle at ang mga trip nila sa buhay.

Hindi lang ito basta tele-mag dahil ang Brainfreeze ay isang fusion ng real TV at telemagazines na umiikot sa buhay ng tatlong free-spirited teens na sina EO Marcos, Jessica Gallegos at Oly Fernando – plus isang nagsasalitang ulo! Panoorin ninyo na lang para mas maintindihan ninyo.

Pagkatapos gumawa ng history sa dalawang matagumpay na season kasama ang isang eligible single guy at isang pinag-uusapang single girl, uusad na ang Single para sa bago nitong season at this time naman single couple na ang bida sa show na ito na magsisimula na sa March 5 at 9 p.m.

Isa pang dapat abangan ngayong Marso ay ang Don’t Bluff, na pumalit sa timeslot ng Family Feud’s tuwing Sabado at 7:30 p.m. simula sa March 8.

Dalawang award-winning youth-oriented educational programs ang sasalubong sa mga bata tuwing Sabado ng gabi. Ito ay ang 5&Up, co-produced ng Probe Productions na nagbabalik sa ABC simula sa March 8 at 5:30 p.m. na susundan naman sa 6:30 ng multi-awarded Chikiting Patrol.

Ito ang kumpletong impormasyon tungkol sa mga pagbabago sa mga programa ng ABC ngayong Marso.

Ispup
, ang all-in-one spoof at gag show, ay mapapanood na tuwing Sunday at seven p.m. simula sa March 16, bago ang original videoke gameshow, Sing-Galing. Ito ay susundan naman ng Viva Cine Idols.

Then tuwing Miyerkules naman, simula March 5, ang pinaka-expensive sitcom sa US, Friends, na tungkol sa anim na wacky thirty-something pals sa New York, ay mapapanood bago ang new season ng Single sa bago nitong timeslot at 8:30 p.m.

Ang Guinness World of Records ay mananatili tuwing Huwebes at 8:30 p.m. na susundan ng Planet X.

Kool On Kam
, ang ultimate radio program sa TV, ay mapapanood pa rin araw-araw from 7:30 to 8:30 p.m., maliban tuwing Biyernes (starting March 21) dahil bibigyang daan ang bagong oras ng The Big Night sa alas-8 ng gabi.

At tuwing Sabado, simula sa March 8, ang Wow Mali hosted by prankmaster Joey de Leon ay nasa bago na nitong timeslots sa alas-8:00 ng gabi.

BRAINFREEZE

ISANG

MARSO

MISADVENTURES OF MAVERICK AND ARIEL

SABADO

SIMULA

TUWING

VIVA CINE IDOLS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with