^

PSN Showbiz

Kris at Manny Pangilinan nag-dinner

- Veronica R. Samio -
Siguradong maglalabasan na naman ang isyu tungkol sa dating presidential daughter na si Kris Aquino matapos itong makipag-dinner sa lalaking dating na-link na sa kanya, si Manny Pangilinan.

"He just wants to congratulate me for winning in the recently- concluded Metro Manila Film Festival Philippines 2002," ani Kris sa presscon na ibinigay ng FLT Films para i-welcome siya dahil pumayag na siyang gumawa ng pelikula sa kanila kasama si Robin Padilla na pinamagatang You And Me Against The World, titulo rin ng kanilang theme song ni Robin nun. "Wag nang bigyan pa ng ibang kahulugan yun, no!" pakiusap niya.

"With all the blessings that I’m getting now, I promise to be a good girl," dagdag pa niya sabay bati kay Chit Ramos, ang magiging PRO ng kanyang pelikula at nakasamaan niya ng loob.

"More than the trophy, I feel that I did a good job in Mano Po. Feeling ko sumugal si Mother Lily (Monteverde) at nanalo siya. Kaya nga tinawagan ko siya at sinabi ko sa kanya na siya ang susi sa lahat ng magagandang bagay na nangyayari sa akin ngayon. Sabi niya kung totoo raw yun bakit hindi siya ang nakikinabang sa akin," ani Kris na may kasamang hagikgik.

Marami ang nakakapuna na hindi lamang sa acting nagiging daring si Kris. Maging sa kanyang bihis ay nakakapuna ng malaking pagbabago. "Thirty one years old na ako. Ayaw ko namang maging daring kapag 40 na ako. Gusto ko ngayon na. At saka ang tagal-tagal bago ako nawalan ng bilbil, so sasamantalahin ko na.

"I’m really grateful. Mano Po revived my career and made me an actress. When I renewed my contract with ABS-CBN, sinabihan nila ako na may movie ako with them. I also signed up with Mother Lily for a movie with Joel Lamangan. Nilagay din nila ako sa Sa Dulo ng Walang Hanggan. Di ko alam kung makakaya pa ng schedule ko dahil I’m co-hosting Morning Girls with Korina Sanchez for two weeks.

"Many are wondering kung bakit parang nagmamadali ako pero kasi naniniwala ako na dapat samantalahin ko ang panahon, strike while the iron is hot. I like to save dahil there is this house that I’d like to buy. May swimming pool ito na sure akong magugustuhan ni Josh," pagtatapat niya.
* * *
Ang dami namang sumama sa anti- 10% VAT na isinagawa kahapon ng mga taga-showbiz at ng ilang grupo ng mga professionals. Matapos magkita-kita sa Manila Film Center ay tumuloy sila sa Senate pero, sa kasamaang palad, hanggang sa gate lamang sila. Later on, nagpatawag ng ilang kinatawan ng grupo para kausapin ng mga taong kinauukulan sa loob ng Senado. Napiling maging kinatawan sina June Rufino at Girlie Rodis ng samahan ng mga managers ng artista, ang PAMI. Nakasama nila ang mga artistang sina Aga Muhlach, Edu Manzano, Dolphy, Fernando Poe, Jr., Mitch Valdez, Odie Gemora, Richard Gomez, Joey Reyes, Johnny Manahan, Carlitos Siguion Reyna, Eddie Garcia, Jojo Sabila at mga namumuno pa ng mga sumamang professionals.

Nakiisa sa mga raliyista sina Senador Ramon Revilla, Loi Ejercito at Congressman Imee Marcos na mayroon na palang isinampang bill sa Kongreso, pero, hindi nagpapatigil ng 10% VAT kundi humihiling ng exemption sa mga manggagawa ng industriya na mayroong maliliit na kita.

Hindi lamang mga artista at ang kanilang mga manager ang dumalo sa rally. Narun din ang mga manganganta, ang mga atleta at maging yung mga maliliit na artista na siyang maaapektuhan ng 10% VAT.

Sayang at di nakita sa rally si Mayor Vilma Santos na ang asawang Senador ang unang-unang nagsususog ng nasabing buwis dahil daw sa kapistahan ng Lipa, Batangas at ang archrival niyang si Nora Aunor. Wala rin yung mga kabataang artista, lalo na sa TV na tatamaan din ng nasabing buwis na matagal na palang naisa-batas pero ngayon lamang ipapatupad.

vuukle comment

AGA MUHLACH

AKO

CARLITOS SIGUION REYNA

CHIT RAMOS

CONGRESSMAN IMEE MARCOS

EDDIE GARCIA

MANO PO

MOTHER LILY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with