Assunta, spoiled sa biyenan
January 16, 2003 | 12:00am
Grabe pala ang bonding ngayon nina Rica Peralejo, Nikki Valdez at kung saan nagmi-meet sila lunchtime tuwing Miyerkules kasama ang ilang non-showbiz friends like Carol Chuateco, Vangie Kua, Nenet Roxas and Elena dela Vega. Sa Cork Wine Cellar & Grill sa 9501.
Kapag nagkikita-kita ang tatlo, marami silang napag-uusapan. Si Assunta, yung tungkol sa buhay-may asawa niya. Si Rica naman, madalas magpayo sa pakikipagrelasyon. Si Nikki, kung paano madaling maka-move after a failed relationship.
Nakakatuwang makita ang tatlo na walang humpay sa kwentuhan sa lahat ng aspeto ng buhay.
Si Assunta, obviously ay masaya sa kanyang buhay ngayon. Walang ini-impose sa kanya ang asawang si Cong. Jules Ledesma. Ang gusto lang daw nito, she mingles with good people like Rica and Assunta.
May naikwento nga sa akin si Assunta na noong nag-spend sila ng holidays sa US, wala raw siyang ginawa kundi ang isama ng mommy ni Jules para mag-shopping.
"Si Mommy, all her life, wala na siyang ginawa kundi mag-shopping. Si Jules naman, bibigyan ako ng pera na pang-shopping pero madalas, hindi ko nagagalaw dahil si Mommy ang bili nang bili for me," kuwento ni Sam (palayaw ni Assunta).
Ngayon, Mommy Norma has fully recovered. Medyo nag-gain ito ng weight pero bagay sa kanya.
Actually, it was Nikki na sumundo sa kanyang mom noong December 23. Dumating sila last December 31.
Ang husay ni John sa adlib. May isang eksena sa Bituin na obviously ay idinagdag lang ni John. May isang eksena nga na halatang kahit ang kanyang mga kaeksena ay natatawa sa kanya.
Ang sabi nga, si John daw ang lucky charm ng Bituin kaya mataas ang rating nito. Naniniwala naman kami na suwerte si John sa mga programa niya.
Ang ikinatutuwa namin kay Sweet (as he is called by his friends), hindi ito nagbabago. He has remained the same John Lapus na nakilala namin 8 years ago.
Marami ang naka-miss kay Marvin sa panggabing soap lalo pat doon naman siya nagsimula with shows like Sa Sandaling Kailangan Mo Ako at Esperanza. Although sa ngayon ay napapanood pa rin si Marvin sa Tabing Ilog.
Napapanood pa rin si Marvin twice a week sa Magandang Tanghali Bayan at Whattamen tuwing Miyerkules.
Sa movies, tapos na ni Marvin ang Tanging Ina with Aiai delas Alas. Tinatapos din niya ngayon ang Moral with Eula Valdez, Jean Garcia at Dina Bonnevie.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended




















