^

PSN Showbiz

Irene Enriquez ayaw na sa World Arts Cinema

-
March this year pumirma ng kontrata si Irene Enriquez sa World Arts Cinema. Present sa nasabing signing of contract ang managers ng magandang young-actress na sina Peter Ledesma at Pete Ampoloquio. Exclusive ‘yon, kung saan in three years time gagawa ng 15 pictures sa WAC si Irene.

Bago ang pirmahan, ipinaalam ng mga taong namamahala sa career ni Irene sa producer ng WAC na si Jojo Galang ang mga limitasyon ng newcomer. Approved naman ito sa naturang producer. Pero pagkatapos kumita ang unang movie ni Irene. Kung saan bida si Maricar de Mesa. Nagbago na ang desisyon ni Jojo Galang. Sa harap ni Elwood Perez ay nagda-dialogue si Ms. Galang na bold movie ang forte ng production niya, walang paglalagyan kay Irene, kapag di ito sumabay sa agos. Nabigla si Irene. Payag na nga siyang makipag-bed scene at mag-wetlook. Pero ang gusto talaga ni Ms. Galang ay ipakita ang kanyang boobs sa pelikulang ginagawa nila ngayon na She Walks By Night.

Di pa ready si Irene. Strict ang parents niya. Pulitiko ang mommy niya. Host pa ng isang religious TV program sa GENSAN. Irene also is studying at St. Benilde. Ayaw niyang ma-kick-out dahil sa pelikulang gagawin niya.

Sa harap ng dalawang manager ni Irene. Nangako si Ms. Galang na gagawan niya ng paraan ang role ni Ms. Enriquez. Pero pagkatapos ng ilang linggo nalaman na lang nila na nagsho-shooting na pala ng bago nilang pelikula ang World Arts.

"I already talked to our family lawyer. And one of these days makikipagkita kami kay Tita Jojo Galang para sa release paper ko. Honestly masyado akong na-hurt sa mga pangyayari. Pero I’m christian kaya ayaw kong makipag-away sa kanila."

vuukle comment

ELWOOD PEREZ

IRENE

IRENE ENRIQUEZ

JOJO GALANG

MS. ENRIQUEZ

MS. GALANG

PERO

PERO I

PETE AMPOLOQUIO

PETER LEDESMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with