^

PSN Showbiz

Paolo bagong bf ni Nancy

RATED A - Aster Amoyo -
Naging matagumpay ang ginawang pag-welcome ng Bobson kay Nancy Castiglione bilang female endorser. Bago lumabas si Nancy, isang fashion show muna ang ipinalabas. Nagpamalas naman ng isang special dance number si Nancy and then, she was welcomed by Bobson’s CEO na si G. Victor Tan at ang male endorser ng Bobson na si Aga Muhlach.

Overwhelmed si Nancy sa bonggang pag-welcome sa kanya na ginanap sa Dish ng Rockwell.

Speaking of Nancy, marami ang nakakaalam na si Paolo Contis na ang bagong kasintahan nito. In fact, may napakagsabi sa amin na naroon din si Paolo para bigyan siya ng moral support pero hindi ito nagpakita sa mga taga-media. O baka naman hindi lamang namin nakita dahil sa rami ng taong dumalo.

Gusto nga pala naming pasalamatan si G. Philip Cu-Unjieng na siyang may-ari ng Dish sa pag-asikaso sa amin nina Manay Ethel Ramos and company.

On our way out, dumaan muna kami ni Manay Ethel sa CR at aksidente naming nakita roon si Tanya Garcia na galing lang sa panonood ng movie nina Aga Muhlach at Claudine Barretto, ang Kailangan Kita.

Dumayo pa ng Rockwell si Tanya para lamang panoorin ang pelikula nina Aga at Claudine at gandang-ganda umano siya sa pelikula.
* * *
Mula sa Vicor Music Corporation, nalipat si Chito Ilacad ng OctoArts-EMI Music. Kamakailan lamang ay nagtayo si Chito ng sarili niyang record company sa tulong ng kanyang business partner na si John Tan (dating top exec ng Vicor) at dito nabuo ang Synergy Music. Kamakailan din lamang ay ipinakilala ng record company ang kanilang kauna-unahang contract artist sa katauhan ni Jimboy Salazar at sumunod naman ang Karayama at si Aira Luna.

Simula nung Sabado (Nov. 9) sa Ever Gotesco-Ortigas Complex, patuloy ang promo tour nina Jimboy, Karayama at Aira sa iba pang malls tulad ng Ever Gotesco-Commonwealth Center (Nov. 10), Robinson’s Metro East (Nov. 15), Robinson’s Starmalls – Pampanga (Nov. 22), Robinson’s Place-Imus (Nov. 29) at sa Robinson’s Place-Novaliches (Nov. 30).

Lingid sa kaalaman ng marami, si Chito ay isa ring mahusay na composer. Ang awiting "Kapalaran" na pinasikat ni Rico J. Puno ay isa sa mga hit songs na kanyang kinompos.
* * *
Isa si Pyar Mirasol sa mga stars ng upcoming sexy flick ng Good Harvest Films, ang Sex Files na dinirek ni Joven Tan at tinatampukan din nina Barbara Milano at Halina Perez.

Maugong ang balita na nagkakamabutihan ngayon sina Pyar at Marcus bagay na parehong itinanggi ng dalawa na parehong dumalo sa 1st anniversary celebration ng S Magazine na ginanap sa Virgin Café nung nakaraang Oktubre 28. Pero nang muli naming makausap si Pyar sa presscon ng Sex Files kamakailan lang, muli namin siyang tinanong tungkol kay Marcus.

"Mabait si Marcus at mahal niya ang kanyang trabaho at pamilya. Wala kaming relasyon ni Marcus liban sa aming pagiging magkaibigan lamang pero nagpaparamdam siya," pag-amin ng dalaga.

Si Pyar ay Blanca Malabanan sa tunay na buhay. Nasa first year college siya ng Nursing sa Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at ambisyon din niyang maging isang flight stewardess pero walang natupad dito dahil sa showbiz siya bumagsak. Noon pa man ay mahilig na rin si Pyar na sumali sa mga local beauty contest at nung 1995, tinanghal siyang Miss Tondo.

Sa kanyang tatlong taon sa showbiz, nakagawa na si Pyar ng siyam na pelikula at pang-siyam itong Sex Files na isang trilogy movie.
* * *
Bukod kay Gary Valenciano, ang singer-doctor na si Nonoy Zuñiga ang siyang pinakabagong endorser ng ABS food supplement.

Ang ABS ay isang natural herbal dietary supplements na makakagamot sa iba’t ibang sakit kasama ng diabetes at arthritis. Nagpapatanggal din ito ng toxic deposits sa ating katawan, nagpapalakas ng immune system, nagpapababa ng cholesterol level at nagpapa-neutralize ng taba sa katawan, nagpapababa ng blood sugar at marami pang iba.

Ayon kay Dr. Zuñiga, dati-rati’y mayroon siyang allergic rhinitis at productive cough tuwing umaga pagkagising niya at marami na umano siyang gamot na nainom na mga mamahalin pero wala umanong nangyayari. Pero matapos siyang mag-take ng apat na capsules ng ABS food supplement sa loob ng tatlong araw, nag-improve umano ang kanyang paghinga.
* * *
Email: <[email protected]>

AGA MUHLACH

AIRA LUNA

BARBARA MILANO

BOBSON

CENTER

MARCUS

PYAR

SEX FILES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with