^

PSN Showbiz

Jollibee panay lang ang tanggap

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Noong isang hapon, habang nagmemeryenda ako sa Jollibee, nakita ko na pang-walong taon na pala ngayon ang pakulong MaAga Ang Pasko ng nasabing food chain with their main endorser Aga Muhlach.

Medyo natigil ang pagsubo ko ng palabok at napainom ng sobrang tamis na orange drink! Biglang pumasok sa isip ko na bakit kailangang manghingi o magpalimos ng mga lumang laruan sa customers ng Jollibee si Aga para lamang may maibigay sa mga mahihirap at ulilang mga bata kung Pasko?

Alam naman nating lahat na top corporation ang Jollibee. Patuloy na tinatangkilik ng mga tao ang kanilang fast food chain, kahit saang lupalop. Parating puno saan mang branch.

Maaaring bilyong piso ang kanilang kinikita taun-taon. Nakakalungkot nga lang at dapat pang gamitin si Aga para magpalimos ng mga panregalo sa mga gusto nilang bigyan. Kayang-kaya naman ng Jollibee na maglabas ng konting pera tuwing Pasko para sa pakulong ito.

Kung tutuusin, barya-barya lamang sa kanila kung bibili sila ng mga bagong laruan o anumang bagay na gusto nilang mga gift items for under privileged children. Hayaan na nila ang mga certified charitable institutions ang manghingi ng mga donasyon.

Nakakahiya naman sa isang top corporation na magpalimos, di ba? Kahit sabihin pang pakakainin nila ng libre ang mga batang bibigyan ng mga pinaglumaan at pinagsawaang laruan, maliit pa rin ito, a drop in a bucket kung ikukumpara sa kanilang napakalaking kita every year. Dapat pa rin na sila na mismo ang bumili ng kanilang mga pamigay dahil marami at bilyun-bilyon ang kanilang pera. Masama naman kung puro pakabig na lamang. Baka tamarin na rin ang mga Pinoy na tumangkilik sa kanila.

Kung ang mga nakokolekta nila ay tinutumbasan ng Jollibee o mas mabuting dinodoble, hindi nakakahiyang sila ay mang-istorbo pa sa mga customers nila. Higit na maraming mabibigyang mga bata at tiyak mga bago pa ang kanilang ipamimigay.

Naisip na rin kaya ni Aga Muhlach na medyo alangan ang kanyang ginagawa dahil ang kanyang produktong inaanunsyo ay mula sa isang top earningcorporation? Ang Jollibee, receive na lang ng receive sa mga tumatangkilik na Pinoy. Sana naman bawasan nila kahit katiting ang kanilang kaban ng yaman at sila naman ang magbigay. Ibigay nila kahit konti ang pagmamahal na kanilang tinatanggap nitong mga nagdaang panahon.

At kung maaari, huwag na nilang gawing pulubi si Aga sa panghihingi ng mga lumang laruan. Bumili na lang sila ng mga bago para higit na matuwa ang makakatanggap ng kanilang regalo.

Kayang-kaya nila ito at puwedeng gawin ng Jollibee.
* * *
Siyempre naman hindi na tayo nagulat nang mapabalitang pakakasal na muli si Elizabeth Oropesa sa isang nobyong higit na nakababata sa kanya.

Aba meron na rin tayong Elizabeth Taylor at katukayo pa ng Hollywood legend. Co-incidence lang na magkapangalan pa sila.

Habang tumitibok ang puso, hindi maaaring pigilang umibig. Kaya karapatan lang ni La Oro ang magmahal at mahalin din siya. Well, kung nag-iibigan silang dalawa, dapat matuwa pa tayo dahil nadaragdagan ang maliligayang tao sa mundo.
* * *
Ilang ulit na bang hindi natuloy ang kasalang Assunta de Rossi at Jules Ledesma?

Sabi ng maraming tao, dapat hindi na magpakasal si Assunta sa Congressman. Kasi bata pa raw ang sexy actress at maaaring pabago-bago pa ang kanyang isip. Kaya’t kung sakaling makakita si Assunta ng higit kay Jules, madali siyang magba-baboo at walang hassle ng mga annulment ek-ek.

Kung tatanungin naman si Assunta, tiyak na tiyak na siya sa kanyang damdamin. Desidido na siya, si Jules ang lalaking pakikisamahan niya habang buhay.

Teka nga muna, natuloy na ba o matutuloy na nga ba ang sobrang kontrobersyal na kasalan?

vuukle comment

AGA MUHLACH

ANG JOLLIBEE

ANG PASKO

ASSUNTA

JOLLIBEE

KANILANG

KUNG

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with