^

PSN Showbiz

Reyna ng Bold Movies

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi na mapasusubalian na si Joyce Jimenez na ang humahawak ng korona bilang Reyna ng Bold Movies. Sa kabila ng pangyayaring nahirapan sila ng Imus Production, producer ng kanyang latest movie na pinamagatang Ang Galing Galing Mo Babes, na mapa-aprubahan ang movie (ilang ulit na-X ito, hindi lamang ang buong pelikula kundi maski na ang trailer lamang), binigyan din ito ng go signal ng MTRCB na maipalabas nung Miyerkules na may rating na R18. Hindi pa natatapos ang araw ay nakatanggap na ako ng balita na dinudumog ito ng manonood sa mga sinehan at baka bago matapos ang araw ay makapagpasok ito ng mahigit sa P7M na kita. Maski na ang eksklusibong lugar ng Rockwell na hindi nagpapalabas ng Tagalog movies ay humiling na dagdagan sila ng apat na sinehan na mapagpapalabasan ng Ang Galing Galing Mo Babes. Maswerte ang magkakapatid na Revilla (Bong, Rowena, Strike, Andrea, Diane, Marlon, Princess), dalawang magkakasunod na box-office hits na ang nagagawa nila.

Hindi naman kataka-taka kung dumugin ang pelikula na kasama si Joyce. Hindi ito makyeme, isalang mo man sa love scene o maski na sa hubaran. At hindi rin pumipili ng makakasama sa eksena. Lalo na sa Ang Galing Galing.... na ang kapareha niya sa Scorpio Nights ang naka-eksena niyang muli, si Albert Martinez.

Hindi rin siya nag-atubili na maka-eksena ang baguhang si Marcus Madrigal na umaming kahit sanay na siya sa mga love scenes dahil hindi naman baguhang bold actor ay humanga pa rin kay Joyce. "Iba siya. Sinabihan lamang niya ako na huwag mag-alala at siya na ang nagdala ng eksena. Bilib talaga ako sa kanya. Iba siya," sabi nito na may paghanga kay Joyce.

Anumang claim ang gawin ng maraming bold stars ngayon, lalo na ng kababaihan, na hawak na nila ang korona, huwag kayong maniniwala, mahigpit pa rin ang pagkakahawak dito ni Joyce at sa malas, matagal pa niya itong hahawakan.
Raging Divas, Mambubulabog!
Bubulabugin ng Raging Divas, isang grupo ng piling-piling talents ng The Library ni Andrew Real ang Amneshox Bar na matatagpuan sa MH del Pilar sa Agosto 7.

Ang grupong ito ang palagi nang pumupuno ng bar na ito na dating may pangalan na OTWO Bar.

Marami na ang gumagaya sa istilo ng Raging Divas pero, hanggang ngayon lahat ng pagtatangka ay nabibigo.

At dahil bagong bihis ang Amneshox Bar, susunud-sunurin dito ang pagbibigay ng magagandang palabas na siguradong dadayuhin ng manonood. Gaya ng nakatakdang repeat nina Arpie and the Multivitamins at ni Anton, ang impersonator ni Regine Velasquez. Sa August 15 mapapanood sina Richard Villanueva, Dessa at Rated R Band.

Every week, may nakahandang shows sa Amneshox.

Para sa detalye, tumawag sa 5248490.
Lilo & Stitch, Premiere Sa Agosto 3
Isang pelikula ng Disney tungkol sa isang Hawaiian girl, si Lilo, na nag-adopt ng isang maliit at pangit na aso na tinawag niyang Stitch. Hindi niya batid, mula ito sa ibang planeta, isang alien.Sa pamamagitan ng kanyang love, faith at unwavering belief in the family, naturuan niya itong magmahal.

Tampok sa Lilo & Stitch ang mga awitin ni Elvis Presley. Mapapanood sa Agosto 3, 7 sa SM Megamall. Ipinamamahagi ng Buena Vista International Pictures.

vuukle comment

AGOSTO

ALBERT MARTINEZ

AMNESHOX BAR

ANDREW REAL

ANG GALING GALING MO BABES

LILO

RAGING DIVAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with