^

PSN Showbiz

Mico, dahilan ng break-up nina Lucky at Nancy?

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Matapos pagkaguluhan noon si Fernando Carillo, narito naman ngayon sa bansa si Hector Soveron aka Cesar ng Alicia. Noong Lunes, dumating ang Mexican actor at hindi pa man nagpapahinga ay diretso na siya sa kanyang guesting sa Magandang Tanghali Bayan.

Nagkagulo ang mga tao sa Studio 3 ng ABS-CBN at walang pagod na nagsisigaw nang makita ng personal si Hector. Simple at matipuno ang foreign actor kaya ang daming gustong makapagpa-autograph. Maging ang mga empleyado ng ABS-CBN ay sinamantala ang lunch break para makamayan ang model turned actor.

Tuwang-tuwa rin ang mga hosts at production staff ng MTB sa kanya dahil wala itong kiyeme. Meron kasing isang segment sa nasabing noontime show na aarte sila habang iba ang nagda-dialogue. "Game na game si Hector. Nakakatuwa siya dahil at home siya agad sa amin," sabi ng isang MTB staff.

Ang mga audience sa studio at TV ay walang tigil ang kakatawa dahil sa pag-arte ni Hector. Animo’y naiintindihan niya ang mga dialogue na ginagawa ng mga hosts. Isang dahilan ito kung bakit naging three days ang television appearance niya sa MTB bukod pa sa Talk TV at Etc.
* * *
May mga nagtatanong sa amin kung totoo raw ba na si Onemig Bondoc ang ama ng dinadala ni Wilma Doesnt. Nagulat kami dahil hindi namin alam kung saan nanggaling ang nasabing balita.

Sure naman kaming hindi ito totoo dahil naging biruan lamang nina Wilma at Uno ang tungkol sa pagbubuntis ng una. Nang minsang magkasama sa isang raket si Wilma at Onemig. May nagtanong sa model-actress kung sino raw ba ang ama ng pinagbubuntis niya. Sagot naman daw ni Wilma, "Si Onemig ang daddy ng anak ko." Sinang-ayunan naman ito ng binata. Kaya iyon, lahat ay naniniwala sa biruan ng dalawa. Lalong pinaniwalaan ng ilan dahil previously ay nagkasama ang dalawa sa isang episode for Maalaala Mo Kaya.
* * *
Natsitsismis na si Miko Palanca raw ang rason kung bakit nag-break si Nancy Castiglione at Luis Manzano. Wala kasing nakakaalam kung anong dahilan ng break up ng couple. Nagpunta pa ang anak ni Edu Manzano at Vilma Santos sa Amerika kaya lalong nabigyang kulay ang hiwalayan ng dalawa.

Pinabulaanan ni Nancy ang nasabing balita sa isang TV interview. "Even if you ask Lucky, Miko has nothing to do with our break-up," sabi ng television commercial turned actress. May common friends sila Nancy at Miko kaya nakikita silang magkasama. Nagkakilala lang ang dalawa just recently at imposibleng ang nakababatang kapatid ni Bernard Palanca ang third party. After ng Nancy-Lucky break up, noon lang nakilala ni Nancy si Miko. Siyempre, hindi raw maiiwasan na sila ang mapagkamalang mag-bf dahil sila ang celebrities sa kanilang grupo.

Maging si Miko ay natatawa sa balita. Wala raw kasing maturong girlfriend niya in real life kaya pati mga babaeng friends niya ay napagkakamalang sweetheart niya.
* * *
For your comments and suggestions, e-mail me at [email protected]

vuukle comment

BERNARD PALANCA

DAHIL

EDU MANZANO

FERNANDO CARILLO

HECTOR SOVERON

LUIS MANZANO

MIKO

WILMA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with