^

PSN Showbiz

Muntik mauwi sa suntukan ang Star Olympics

- Veronica R. Samio -
Hindi naka-schedule ang games na ginanap nung Miyerkules, Hunyo 19, ng Star Olympics 2002 sa Ultra. Marami nga ang nag-akala na hindi yun mahalagang laro dahil hahanapin lamang sa anim na koponan sa men’s basketball at women’s volleyball ang apat na winning teams na maglalaban sa final round na magaganap naman sa Sabado, Hunyo 22, sa nasabi ring lugar. Ang hindi sukat akalain, maging ng namumuno ng taunang palaro ng mga artista at manggagawa ng local showbusiness ay mauuwi ang elimination games sa isang malaking drama na muntik mauwi sa malaking kaguluhan. Nagkainitan ang magkalaban sa basketball na sina Jeffrey Santos at Ronnie Quizon. Nadamay pa sa kanilang pag-aaway ang asawa ni Ronnie na si Eula Valdez na nag-walk-out kaya hindi nakapaglaro sa knock out game na ikinatalo tuloy ng kanyang koponan. Hindi nakaya ni Eula ang mga parinig diumano ni Jeffrey kung kaya bago pa mauwi sa mas malaking gulo ay minabuti na lamang nito na umalis na lamang.

Muntik na ring magbitiw si Kuya Germs sa kanyang pagiging pangulo ng Katipunan Ng Mga Artista Sa Pelikulang Pilipino At Telebisyon (KAPPT) nang hindi niya magawang pahupain ang init ng mga ulo na namagitan sa mga artista. At maski na nag-iiyak na raw siya ay hindi pa maawat-awat sa kanilang pag-aaway sina Jeffrey at Ronnie.

Nakadagdag pa sa tensyon ang muntik na pagwo-walk out ng White team na pinamumunuan nina Bong Revilla at Lani Mercado dahilan sa napaka-samang officiating.

Bagaman at maraming malalaking artista ang naglaro ng basketball, marami pa ring tanong ang naririnig tungkol sa napakarami pa ring nag-participate na hindi raw mga members ng KAPPT. Totoo ba ito Kuya Germs?

Gaya nung prinotestang varsity player ng volleyball. Bakit siya nakapaglaro in the first place? At yung driver daw ng isang sikat na action star na nagbasketball? Meron din daw doktor na kasali sa mga laro ng track & field na boyfriend lamang ng isang artista. Sino ba ang nagi-screen ng mga manlalaro? Maraming kasali sa junior basketball team ang overaged na. Dapat may age or maski na height limits ang mga kasali sa level na ito.
* * *
Kung kailan pa nakatakdang ipalabas ang Forevermore, ang kauna-unahang major film nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa ay saka pa naglalabasan ang mga negative write ups tungkol sa kanilang dalawa. Bagaman at kapuri-puri ang pag-iwas nilang paggamit ng kanilang relasyon, kung mayroon man, sa promo ng pelikula, marami ang naniniwala na napaka-unwise ng kanilang desisyon na ngayon pa sabihin na talagang wala silang relasyon at wala silang naging relasyon.

It seems that Kristine has had a change of heart. Pero, si Jericho ay nagsabi na whatever decision Kristine makes, he wish her good luck. Sinabi rin niya na naiintindihan niya kung sakali man na hindi siya paboran ng mga magulang ni Kristine dahil "bata pa si Kristine at takot sila sa intensity ng feelings nito para kay Jericho.

Meanhile, the moviegoers will have to judge the film sa sarili nitong merito. Ang Forevermore ay isang simpleng love story na hindi kasing bigat ng Pangako Sa ‘Yo, ang ginagawa nilang teleserye, at hindi kasing kumplikado.

Kasama nilang dalawa na gumaganap sa istorya sina Michelle Bayle, Justin Cuyugan, John Lloyd Cruz, Nestor de Villa, Caridad Sanchez, Luz Valdez at marami pang iba sa direksyon ni John D. Lazatin.

vuukle comment

ANG FOREVERMORE

BAGAMAN

BONG REVILLA

CARIDAD SANCHEZ

EULA VALDEZ

KRISTINE

KUYA GERMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with