^

PSN Showbiz

Marvin topbills 'Tanging Yaman The Series'

ITO ANG L8ST NGAYON - Eric John Salut -
Nasa final leg na ang principal photography ng Forever More (the song popularized by Side A band), ang launching movie nina Jericho Rosales at Kristine Hermosa under Star Cinema. In fact, may playdate na ito, sa June 26. Binubusisi ni Ms. Malou Santos (Star Cinema, managing director) ang nasabing project. Base sa napanood ni Ms. Malou na rushes ng movie, perfect ang story na ginamit. Impressed din si Ms. Malou sa screen presence nina Echo at Tin dahil mararamdaman mo that there’s so much love between them.

Ganito rin ang reaksyon ni Ms. Elma Medua, line producer, sa outcome ng movie. "Although may ilang shooting days pa kami, nakikita ko na more or less yung look ng movie. Nakakakilig sila. Ibang-iba sila sa movie compared sa Pangako Sa ‘Yo.

Ang Forever More ay debut directorial job ni John-D Lazatin, isa sa mga promising directors ng ABS-CBN. Kasama rin sa movie sina John Lloyd Cruz, Michelle Bayle at iba pa.
* * *
If there’s one person na excited sa pagbabalik ni Desiree del Valle sa showbiz ay walang iba kundi si Paolo Contis. But what’s even exciting ay ang pagkikita nila sa States kung saan may show ang ilang Tabing Ilog stars na sina Kaye Abad, Baron Geisler at sina Paolo at Desiree nga.

Ang kwentong narinig namin, matagal na palang walang communication sina Paolo at Desiree. "No’ng first few months na naghiwalay sila, talagang halos araw-araw nag-uusap sila sa phone. Pero nitong huli, hindi na. Mukhang nadala na si Paolo kasi the last cell phone bill na binayaran niya is P50,000. Pero excited talaga si Pao na magkita sila ulit ni Des," sabi ng isang kaibigan ng aktor.

Ewan namin kung ikatutuwa ni Desiree na malaman na mula nang naghiwalay sila ni Paolo ay hindi nagkaroon ng ibang girlfriend ang aktor.

Ngayong araw May 30 ang alis ng tropa ng Tabing Ilog para sa kanilang California shows (na nauna na naming naisulat dito) at sa June 7 ang balik nila. Hindi muna makakabalik si Desiree dahil mayroon pa itong kailangang ayusin. Pumayag na rin ang kanyang parents na magbalik siya sa showbiz. Sa June 19 nakatakdang bumalik si Desiree.

Dalawang shows ang inaasahang pasukan ni Desiree. Heard na ipapasok siya sa Pangako Sa ‘Yo at sa Tabing Ilog kung saan siya unang nakilala. Abangan na lang natin kung ano pa ang magiging plans ng ABS-CBN at Star Cinema kay Desiree.
* * *
Magbibida si Marvin Agustin sa isang bagong drama series ng ABS-CBN na magsisimula sa June 8. He will topbill Tanging Yaman, The Series na ipapalit sa makakansela ng Munting Paraiso. Tiyak na matutuwa ang mga fans ng aktor na na-miss siya sa heavy drama show tulad ng Sa Sandaling Kailangan Mo Ako. Breather ito sa daily show niyang Magandang Tanghali Bayan.

Bukod kay Marvin, kasama rin sa Tanging Yaman, The Series sina Michael de Mesa, Amy Austria, Paula Peralejo, Danilo Barrios, Emman Abeleda, Trina Zuñiga at Anna Larrucea. Si Don Cuaresma ang direktor nito.

Still on Marvin, masusubukan ang husay ng aktor sa pagpapatawa sa pelikulang Super B, entry ng Neo Films sa nalalapit na Manila Film Festival sa June 12. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na gumawa si Marvin ng pelikulaoutside Star Cinema, his home studio.
* * *
For your comments and feedback, you can e-mail me at [email protected] central.com.

vuukle comment

AMY AUSTRIA

DESIREE

FOREVER MORE

MARVIN

MS. MALOU

PANGAKO SA

STAR CINEMA

TABING ILOG

TANGING YAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with