^

PSN Showbiz

Allen, Barbara maghapon nagbabad sa tubig

-
Nagmistulang back to back show nina Allen Dizon at Barbara Milano nang magkasama silang kumanta sa isang KTV bar sa Pakil, Laguna noong mag-shooting sila ng Virgin People 3 na dinirek ni Celso Ad. Castillo. Maganda pala ang boses ni Allen. Naki-join sa nasabing sing-along ang mga producer na sina Dan Barateta, Patrick Salem Jr., Oliver at John Ad. Castillo. Samantala, masaya ngayon ang paligid kay Allen. Gumaganda kasi ang career niya. Bidang lalaki siya sa Virgin People 3 na pinag-aagawan ng magkakapatid na sina Barbara Milano, Allona Amor at Monina Perez.

Hindi rin malimutan ni Allen ang lovescene nilang ginawa ni Barbara sa ibabaw ng Balabag Falls sa Majayjay, Laguna. Maghapon silang nakababad sa tubig. Apat na beses nang sumigaw si Direk Celso ng cut sa nasabing eksena pero tuloy pa rin ang dalawa. Pero hindi dapat mag-isip ng masama tungkol dito. Ang totoo, masyadong malakas ang agos ng tubig kaya hindi nila marinig ang sigaw ni direk.

Samantala, tapos na ng college si Allen, pero pinili pa rin niyang mag-artista. May pinag-aaral siyang mga kapatid kaya’t mapapansing sunud-sunod ang pelikulang ginagawa niya. Bago ang Virgin People 3 natapos na niya ang Sugat Na Hindi Maghilom kapareha si Aya Medel. — VG

vuukle comment

ALLEN DIZON

ALLONA AMOR

AYA MEDEL

BALABAG FALLS

BARBARA MILANO

CELSO AD

DAN BARATETA

DIREK CELSO

JOHN AD

VIRGIN PEOPLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with