^

PSN Showbiz

Muslim/Kristiyano, nagkasundo

-
Hindi maikakaila na may dating ang "The Exchange", reality show ng Probe Productions at Ideal Mind’s na palabas sa ABC 5, 9:30 p.m. sa mga primetime TV viewers. Una, ito lang ang "reality" na programa sa bansa na nagpi-feature ng dalawang exchanges who get a taste of each other’s life for a period of time. Pangalawa, hindi biro ang exchange program ng show dahil sa pangalawang season nito na nagsimula last January isang Kristiyano at Muslim ang nag-trade places. Si Sari Simon ng Quezon City at Taj Sulaiman ng Tawi-Tawi. Isang makabuluhang palitan, ika nga.

Subalit hindi lang ang mga adventures at experiences ng dalawa ang inihahatid ng programa kundi pati ang mas malalim na pananaw tungkol sa Kristiyanismo at Islam.

Kapwa nagsilbing saksi sina Sari at Taj sa realidad na gaano man magkaiba ang dalawang relihiyon, ay mas pinangangalagahan pa rin ang paniniwala at loyalty ng nananampalataya sa kanyang faith. Ayon na rin kay Sari, "hindi big deal kung anong relihiyon ang sinusunod mo rito sa South sapagkat mas mahalaga ang pagiging totoo mo sa inyong relihiyon at wala kang tinatapakang iba." Isa pang interesting thing na natutunan niya mula sa mga Tawians ay hindi pala totoong jihad agad ang ginagawang solusyon ng mga Muslim sa anumang bagay. Sa katunayan, kino-condemn ng mga Muslims ang gera pati na ang mga hindi mabuting gawain ng kanilang kapwa Muslim.

In the same way, lumalim rin ang pananaw ni Taj sa Kristiyanismo gaya ni Sari sa Islam. Sa pagbisita niya sa mga simbahan, gaya ng Parish of the Black Nazarene sa Quiapo, nakita ni Taj ang pagiging relihiyoso ng mga Kristiyano.

Ang topic ng relihiyon ay isang parte lamang ng "The Exchange" dahil mas marami pang adventures at saya ang isi-share sa inyo nina Taj at Sari ngayong Huwebes.

vuukle comment

IDEAL MIND

KRISTIYANISMO

KRISTIYANO

PARISH OF THE BLACK NAZARENE

PROBE PRODUCTIONS

QUEZON CITY

SARI SIMON

TAJ SULAIMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with