^

PSN Showbiz

Disiotso na si Lovely

-
Ipinagdiwang ni Lovely Mansueto nung Marso 29, Biyernes Santo, ang kanyang ika-18 taong kaarawan. Pero, walang engrandeng selebrasyong naganap.

"Type nga po nina Mommy at Daddy na magkaroon ng bonggang birthday party dahil debut ko raw. Pero, tinutulan ko yun. Tama na yung simpleng kaarawan. Kasi, sa dami po ng kababayan natin na naghihirap, tapos magse-celebrate ka ng engrandeng party, parang di ko po yun ma-take. Nararamdaman ko yung paghihirap nila. Basta makaraos lang, sapat na po sa akin yun," may pusong pahayag ni Lovely.

Ang isang bagay na higit na nakapagpapaligaya sa dating child actress ay yung nalalapit na showing ng pelikulang Huwag Mong Takasan Ang Batas kasama sina Ynez Veneracion at Rommel Padilla sa direksyon ni Carlo Montero.

Mahaba at maganda ang role dito ni Lovely. Bulag na kapatid ni Rommel at marami ang bumilib sa kanya dun sa eksenang napatay si Rommel, todo talaga ang pag-arte niya. Sabi ng mga nakapanood ay puwede siyang maging magaling na aktres. — Mar Muñoz Cay

vuukle comment

BIYERNES SANTO

BULAG

CARLO MONTERO

HUWAG MONG TAKASAN ANG BATAS

LOVELY MANSUETO

MAR MU

PERO

ROMMEL

ROMMEL PADILLA

YNEZ VENERACION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with