^

PSN Showbiz

Dominic at Janna, on pa rin!

RATED A - Aster Amoyo -
Personal na pinabulaanan sa amin ni Janna Victoria na break na sila ng kanyang kasintahang si Dominic Ochoa. Nagtataka nga sina Janna at Dominic kung saan nagsimula ang mga balita na hiwalay na sila.

"May mga tao lang siguro na hindi gustong makita kaming masaya ni Dom. As far as we are concerned, wala namang nabago sa aming relasyon. Kami pa rin and we’re even celebrating our ninth month anniversary on March 23," lahad ni Janna.

Hindi ikinakaila ng dating kapareha ni Piolo Pascual sa pelikulang Lagarista na talagang na-depress siya nang husto nang sumakabilang-buhay ang kanyang mahal na ama nung nakaraang Pebrero 2 at natutuwa naman siya na hindi nagpabaya sa kanya si Dominic. Nakadagdag pa sa kanyang depression ang kawalan niya ng trabaho kaya nakiusap siya sa manager niyang si Dondon Monteverde na kung puwede na siyang pakawalan nito at pumayag naman umano ang huli.
* * *
Tiyak na matutuwa ang mga fans nina Claudine Barretto at Rico Yan dahil tuloy na ang pagpasok ng huli sa programang Sa Dulo Ng Walang Hanggan na kung saan ay tampok ding bituin si Carlos Agassi.

Sa kabila na punum-puno na ang schedule ni Rico dahil sa kanyang daily show na MTB and once-a-week sitcom na Whattamen, minabuti pa rin ng ABS-CBN management at Star Cinema na ipasok sa teleserye para mapanatili ang interes ng mga manonood. After all, may strong following sa telebisyon sina Claudine at Rico.
* * *
Desidido ang actress-turned Quezon City councilor na si Aiko Melendez na idemanda ng libelo ang isa nating kasamahan sa panulat at ang tabloid na pinagsusulatan nito dahil umano sa mga mapanirang nasulat na kesyo lover niya ang isang nagngangalang Phillip Palma at dalawang taon na umano silang may relasyon. Malamang na madamay din sa kanyang demanda ang dating bodyguard ni Aiko na siyang naging source ng mga sinulat ng writer.

Samantala, pormal na ring nag-file ng annulment ng kanilang kasal ni Jomari si Aiko sa QC TRC nung Lunes, Marso 18.

Sinabi naman ng manager ngayon ni Aiko na si Ogie Diaz na hindi umano lover ni Aiko si Phillip at anim na buwan pa lamang silang magkakilala at nanliligaw ito ngayon sa konsehala.

Samantala, pinangangatawanan ni Aiko na wala umano siyang balak na batiin si Ara sakaling makita niya ito sa isang okasyon.

Dahil sa muling pagkabuhay ng hidwaan sa pagitan ni Aiko at ng dati niyang mister na si Jomari Yllana at ang sexy star na si Ara Mina, biglang natakpan ng issue kina Parañaque Mayor Joey Marquez at dati nitong misis na si Alma Moreno.
* * *
Talagang importante ang role ni Jean Garcia bilang si Madam Claudia Buenavista sa hit telenovela na Pangako Sa ‘Yo dahil sa kabila na anim na buwan na itong buntis (courtesy of her Japanese husband) ay hindi pa rin siya nawawala sa naturang programa.

Of course, hindi naman maiiwasan ang tuluyang paglaki ng tiyan ni Jean kaya kailangan din niyang bigyan ng panahon ang kanyang pagbubuntis hanggang sa siya’y makapanganak. Pero pansamantala lamang mawawala ang character ni Madam Claudia at muli itong ibabalik sakaling ready na naman si Jean na mag-report for taping.
* * *
Nabibigyan ng ibang kulay ang pagiging malapit ngayon ni Alma Moreno kay dating Parañaque Mayor Pablo Olivares, ang naging katunggali sa pulitika ng dating mister ni Ness (Alma) at kasalukuyang mayor ng Parañaque na si Joey Marquez.

Dumating si ex-Mayor Olivares sa burol ng yumaong ina ni Ness na si Mama Jean at kamakailan lamang ay nakita ito sa show ni Ness sa Comic Lab sa Malate. May mga nabubuo tuloy na ispekulasyon na balak ni Dr. Olivares na muling kumandidato sa pagka-mayor at ‘nililigawan’ nito si Ness upang makuha niyang running mate. Ayon sa dating mayor, bukas umano ang kanyang option pati na ang pagkuha kay Ness as his running mate.

Samantala, marami ang nag-aabang kung muling dadalo si Dr. Olivares sa show ni Ness sa Downtown ng Hotel Rembrandt sa darating na Marso 21 sa ganap na ika-9 ng gabi. Dito ay makakasama ni Ness si Leonard Obal at ang Kit Kats at ito’y ididirek ni Andrew de Real.
* * *
Para sa inyong komento at feedback, mangyaring ipadala ang inyong e-mail sa [email protected]

vuukle comment

AIKO

AIKO MELENDEZ

ALMA MORENO

ARA MINA

CENTER

DR. OLIVARES

JOEY MARQUEZ

SAMANTALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with