^

PSN Showbiz

Laking Tate pero, Pinoy na Pinoy

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Sa Amerika pinanganak at lumaki ang singer-composer-musician na si JayR Sillona, pero talagang ibang klase siya.

Kahit sino ay magugulat kapag nakausap si JayR ng personal. Tuwid na tuwid ang kanyang pagsasalita ng Tagalog kahit na nga 21 taon na siya sa Tate. At wala kahit katiting na pa-Kano effect na accent. Sabi ko nga sa sarili ko, mas mahusay pang mag-Pilipino ang very appealing na binata kaysa sa ‘kin, kaya’t medyo napahiya ako sa sarili ko.

Pati ang pagbibigay galang niya sa mga waiters, matunog na matunog na "maraming salamat".

Anak si JayR ng mga purong Pinoy na sina Jun Sillona at Ampy Aquino Sillona. Bunso siya sa apat na magkakapatid, pero hindi lumaki sa layaw ang very talented Fil-Am boy.

Sa kuwento ng kanyang inang si Ampy, nalaman namin ang sikreto ng kanyang pagiging matatas mag-Tagalog. Kahit noong mga bata pa pala ang kanyang mga anak na isinilang sa Glendale, California, hindi niya na-encourage ang mga ito na mag-"spokening dollar" sa harap niya.

Sabi ni Ampy, "tuwing magi-English sila sa ‘kin lagi kong sinasabi na hindi ko sila maintindihan kaya’t kailangang mag-Tagalog sila. Talagang gusto ko sa loob ng aming bahay manatili ang aming pagka-Pilipino."

Kaya naman nang ma-interview ko si JayR ay hindi man siya nagsalita ng Ingles kahit alam kong mahusay siya sa hiram na lingguaheng ito; dahil ang kanyang magagandang nilikha ay mga English songs. Napilitan tuloy akong mag-interview sa deretsong Tagalog. Akala ko pa naman ay Inglisero siyang tulad ng mga US-bred Pinoys na nakausap ko noon.

Lalo naman akong humanga kay JayR nang iparinig niya ang kanyang mga kanta sa isang CD, na ang iba ay original compositions niya. Totoong ibang-klase rin ang kanyang talino sa musika at tiyak na magiging isa siyang sikat na recording artist in the very near future.

Noong 16 years old nagsimula bilang isang professional musician si JayR. Naging back-up singers siya sa mga recording sessions ng mga kilalang American at ibang international singers. Ilang ulit na rin siyang nakipag-collaborate sa mga kilalang tuneweavers at composers sa ilang kanta.

Kaya naman sa kanyang ginagawang debut album ay marami siyang mga original compositions. Bukod sa world-class ang kanyang boses, pang-international din ang kanyang mga likhang awitin.

Noong Biyernes ng hapon nang magkita kami ni JayR, tumuloy pa siya sa sariling studio ni Vehnee Saturno, dahil naghahanap siya ng mga kantang Pinoy na isasama sa kanyang album.

Nang marinig ni Vehnee ang boses ni JayR tunay na na-impressed ang multi-award winning at internationally renowned composer/producer. That very moment, nag-desisyon si Vehnee na ipakanta kay JayR ang dalawang bagong-likha niyang mga komposisyon. At hindi lamang ‘yon, sasama pa si Vehnee sa California upang tumulong sa pagsasaplaka ng mga kanta.

Kahit hindi pa tapos ang album ni JayR may mga gusto nang pumirma siya ng kontrata, pati isang major TV network. Magalang na pansamantalang tumanggi si JayR. Ang dahilan, gusto muna niyang mag-concentrate at tapusin ang kanyang debut album na ang lahat ng kanta ay sa Tate ang recording. Babalik agad si JayR at ang kanyang mother na si Ampy sa California sa Lunes. Nangako naman siya na dito sa Pilipinas unang ilo-launch ang kanyang forthcoming album, sa kanyang pagpuntang muli dito, maaaring later this year.

For a glimpse of JayR’s rare talent, manood sa SOP ngayong Linggo ng tanghali. May isang production number si JayR sa toprated noontime show ng GMA at sigurado, sa brief appearance niya on Pinoy television, mararamdaman agad ninyo ang malakas na dating ng susunod na Pinoy international recording star.

AMPY

AMPY AQUINO SILLONA

JAYR

KAHIT

KANYANG

PINOY

SIYA

VEHNEE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with