^

PSN Showbiz

"Hindi komo bubukod na ay magwawala na" - Assunta

- Veronica R. Samio -
Hindi maiwasang hindi tanungin si Assunta de Rossi tungkol sa gagawing paghiwalay sa kanilang mag-ina ng nakakabatang kapatid na si Alessandra. After all, close naman silang magkapatid at syempre, marami ang hindi naniniwala na gusto lamang maging independent ng mas nakakabatang De Rossi. Baka raw may ibang dahilan ang pagbukod niya.

"Hindi sa kinukunsinti ko siya sa gusto niyang gawin pero, palagay ko, kaya niyang pangatawanan ang gusto niya. Talagang ganyan yata yung may halo ang dugo, palaban. Lumalabas kasi ang pagka-Italyana niya sa bagay na ito, na maaga pa, basta’t kaya ay nagiging independent na. Hindi naman komo magsasarili na siya ay magwawala na siya.

"Alam mo, ako ang unang apektado kapag may lumalabas na negative tungkol sa kapatid ko. Alam ko naman kasi na hindi siya malandi at kaya niyang alagaan ang sarili niya," pagtatanggol ni Assunta.

Sinabi ni Assunta na nakilala na niya ang sinasabing bagong boyfriend ng kapatid niya, si Polo Ravales. Wala naman siyang masabi tungkol dito. "May tiwala naman ako sa judgement ng kapatid ko," dagdag pa niya.
*****
May bagong medical spa sa Midland Plaza na binuksan ng isang certified doctor of medicine na nagngangalang Dr. John T. Cenica. It houses treatment centers, form weight management, skin care, physical enhancements to relaxing and rejuvenating massages. Marami nang napagandang mukha at katawan ang guwapong doktor na taga-showbiz pero, ipinagbabawal ng kagandahang asal na ibunyag niya ang kanilang mga pangalan. Sapat nang sabihin niya na hindi naman niya sila binigo sa kanilang hangaring mapaunlad ang kanilang pisikal na kaanyuan.

Ang kaibhan ng serbisyo ng Jancen Cosmetics Surgery ay binibigyan muna nila ang kanilang mga pasyente ng mabilis na medical analysis gaya ng pagkuha ng blood pressure. "Then we advice them about our diagnosis and give them the most suitable massage," ani Dr. Cenica.

Dubbed as the newest celebrity haven, isa itong one stop shop na nagbibigay ng serbisyo sa nose, face & bust lifting, liposuction, scar revision, skin whitening, skin peeling, acne treatment, eye bag removal at ang specialty nilang non-surgical treatment ng varicose veins. Si Dr. Jancen din ang may gawa ng mga popular na skin, hair and body care products gaya ng papaya skin whitening at slimming soap.

Call lang kayo sa Medical Spa, sa 5211444 14 5266297.

vuukle comment

ALAM

ASSUNTA

DE ROSSI

DR. CENICA

DR. JANCEN

DR. JOHN T

JANCEN COSMETICS SURGERY

NIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with