^

PSN Showbiz

Baguhang aktor, nakuha na ang batang aktres, nakuha pa rin ang ina

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Sweet na sweet ang sikat na aktres na ito. Di mo aakalain na marami na itong naka-relasyong aktor. Isa rito ay isang mestisong baguhan na anak ng isang character actor.

Ayon sa aking source, bukod sa aktres ay balitang naka-fling din ng batang aktor ang ina ng nobyang aktres. Minsan ay may sinabihan ang aktor na kapag itinanggi ng aktres ang kanilang relasyon ay ibubulgar niya na naka-on din niya ang ina nito na bata pa rin at magandang tulad ng aktres.

Madaling gumawa ng pangalan ang baguhang aktor lalo na sa telebisyon at mabenta rin sa komersyal samantalang ratsada sa pelikula at TV shows ang magandang aktres.
Ara, Magbubukas Pa Ng Isang Coffee Shop
Kahit walang pelikulang ginagawa ngayon si Ara Mina ay abala naman siya sa kanyang negosyo na isang Italian restaurant na matatagpuan sa Tomas Morato. Magbubukas din sila ng mga kasosyo ng Cosmopolitan Coffee Shop sa likod ng restaurant. Na-realize ni Ara na in-demand ngayon ang mga coffee shops.

Ang resto ng seksing aktres ay tinawag nilang Osteria Italia. Specialty nito ay Italian cuisine gaya ng pasta at steak.
Piolo, Mababawasan Ng Malaki Sa Komersyal!
Nalulungkot ako para kay Piolo Pascual dahil malaki rin ang mawawala sa kanya dahil kumalas siya sa manager na si Joji Dingcong.

Ayon sa isang source, mawawala na sa kanya ang ibang produktong iniindorso. Under negotiation na ang isang brand ng sunglasses kung saan si Piolo sana ang image model. Pati ang couturier na si Inno Sotto ay naawa din sa kaibigang si Joji kaya bibitiwan na rin ang pagbibihis sa aktor lalo na sa mga formal wear.

Ngayong narito na sa bansa ang aktor ay malamang na magkaroon ng paglilinaw sa mga intriga sa kanya. Ayon sa kanya ay hindi naman siya nagbitiw ng masasakit na salita laban sa dating manager.
Dingdong, Mahal Pa Rin Si Toni
Pinabulaanan ni Dingdong Dantes na kaya nagbalik-bayan si Antoinette Taus ay para bantayan siya sa taping ng Sana Ay Ikaw Na Nga. Nagseselos diumano ito kay Tanya Garcia.

Ayon sa aktor, ang dahilan ng pag-uwi ng bansa ni Toni ay para dito ipagdiwang ang Kapaskuhan. Hindi totoong nagseselos ito kay Tanya dahil alam nito na bahagi ng trabaho ang i-link silang dalawa.

Inamin ni Dingdong na kahit nagkalayo sila ni Toni ay malaki ang tiwala nila sa isa’t-isa at hanggang ngayon ay matatag pa rin ang kanilang relasyon.
Ronald, Nagbago Na
Naimbitahan kami sa premiere night ng BRO under MMG Films na tinampukan nina Eddie Garcia at Ronald Gan. Napuna namin na malaki na rin ang ipinagbago ng aming anak-anakang si Ronald lalo na ang personalidad niya. Hindi na siya kimi at maganda na ang PR. Artista na rin ang dating niya na malayo sa kanyang imahe noon kung saan napagkakamalan siyang may edad na gayung nasa early twenties lang.

Pati ang pagsasalita niya ay na-improve na rin. Gayundin ang akting. Ayon kay Ronald, malaking bentahe ang pagsasama nila ni Eddie sa said movie dahil nabigyan siya nito ng mga pointers sa tamang pag-arte. May follow-up movie ang dalawa na kinukunan ngayon sa Romblon.
Allona, Nagpapasalamat Sa Our Lady Of Manaoag
Kahit sinisiraan ng kanyang detractors si Allona Amor ay patuloy namang gumaganda ang kanyang movie career. Hindi siya naaapektuhan ng intriga.

Samantala, bukod sa heavy drama na Sapagkat Kami’y Tao Lamang na ginawa ng produksyon ni Lita Buenaseda ay sisimulan na rin niya ang Nang Lumaban si Adan under Maverick Films. Nakalinya pa rin ang Unang Patak ng Ulan at Basilan sa Dulo ng Dila ng Apoy. Tinatapos pa rin niya ang Balut katambal si Rodel Velayo sa Seiko Films.

Hindi lang sa pelikula abala si Allona kundi gayundin sa sariling produksyon na Archer Productions & Entertainment Network kung saan nagprodyus siya ng concert at ngayon naman ay isang stage play na pinamagatang Tao kung saan gagampanan niya ang papel ni Kayamanan mula sa direksyon ni Fermin Idea at ipalalabas sa Jose Magno Gym sa Pangasinan sa January 24 at 25. Masinop din sa pera si Allona kaya nakakaipon na ng pera at nakabili na rin ng bagong sasakyan.

Lahat ng biyayang natatanggap niya ay ipinagpapasalamat niya kaya namamanata sa Our Lady of Manaoag. Abala sa promosyon ng Sapagkat Kami’y Tao Lamang ang seksing aktres dahil palabas na ito ngayong araw.

vuukle comment

AKTRES

ALLONA

AYON

CENTER

NIYA

RIN

SAPAGKAT KAMI

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with