^

PSN Showbiz

Gretchen magbabalik showbiz!

THE YOUNG CRITIC - THE YOUNG CRITIC ni Jennifer Miranda -
Panay na panay ang guestings ni Gretchen Barretto sa iba’t-ibang talk shows at tanggap na tanggap ng audience ang kanyang appearances, kahit marami iyong koneksyon sa bago niyang shampoo commercial. Kitang-kita at damang-dama ng mga manonood ang sigla, tuwa at pag-asa ni Gretchen na ang bago niyang tagumpay sa larangan ng telebisyon bilang endorser ay magbubukas ng mga pagkakataon upang siya ay manumbalik sa isipan ng madla at magising ang mga producers na kunin siya muli bilang aktres.

Kunsabagay marami namang magagandang babae sa mundo ng showbiz, pero bukod sa maganda rin ang aura ni Gretchen sa kanyang panlabas na kaanyuan, maganda rin ang kanyang kalooban.Hindi mo aakalain na sa dinami-dami ng kanyang blessings sa buhay, humble pa rin ang kanyang dating. Mapagbiro, hindi pikon at kitang-kita mo ang kanyang sinseridad sa pakikitungo at pakikipag-usap sa mga dati at bago niyang kakilala.

Nag-guest si Gretchen sa Sharon, sa Talk TV at hindi mo aasahan ang isang babaeng tulad niya na biniyayaan na yata ng lahat ng blessings sa buhay ay level-headed pa rin and so much fun. Wala naman siyang false humility. Hindi niya itinatanggi ang kanyang swerte sa buhay. Meron daw siyang talent at gusto niyang mabigyan ng pagkakataon na bigyang laya ang mga talent niya sa pag-arte at pag-awit. Kung aalala nating naging TV host din si Gretchen bago siya pansamantalang nagretiro upang harapin ang buhay may asawa at bilang isang ina. Ngayon, minimithi na lamang ni Gretchen na maging aktibong muli sa pelikula at parang lumilinaw naman ang pagkakataon sa kanyang pagbabalik. Maraming offers si Gretchen na magbalik-showbiz at siguro naghihintay na lamang ng magagandang pagkakataon para makagawa muli siya ng pelikula. May recording na rin na inaabangan ang kanyang mga tagasubaybay.
Nakakasawa Na Ang Soap Opera
Nakakasawa na rin ang panonood ng soap opera sa telebisyon. At kailanman ay hindi ko sinubaybayan ang anime o animation adventure series na imported from Japan at Singapore. At ngayon nga uso naman ang mga iba’t-ibang big money game shows sa gabi. Ito bale ang pattern ng TV programming ngayon pero ang talagang hindi ko pinagsasawaan ay ang panonood ng mga public affairs programs dahil maraming kaalaman at impormasyon kang makukuha bukod pa sa talagang nakakaaliw ang mga hosts sa kanilang delivery.

Halimbawa, ang Extra-Extra nina Paolo Bediones at Miriam Quiambao na kamakailan ay sinubukan ng dalawa na gawin ang iba’t-ibang klaseng trabaho–konduktora sa bus, garbage collector, metro aide, tindera sa palengke, matadero, mag-waitress. At hindi lamang kawili-wili ang kanilang mga first-hand reports kundi mapi-feel mo na rin ang pakiramdam ng mga taong ganito ang trabaho. Hindi nahihiya o nangingimi sina Paolo at Mirriam sa kanilang mga pinaggagagawa at tunay silang mga koboy sa kanilang pagpapanggap.

Siguro hindi pagpapanggap ang bagay na itawag sa kanilang ginawa dahil puspusan at dibdiban ang kanilang pag-atake sa mga roles nilang ginapanan. Nakita mong trinatrabaho at pinaghihrapan nila ang kanilang mga ginawa at hindi basta na lamang nanonood ng mga gawaing kanilang inire-report. Lalo na nga si Miriam dahil kahit na isang international beauty queen pa, walang kaere-ereng nakikipagsabayan bilang product demonstrator sa isang department store o tindera ng sampaguita sa kalye.

Sa tingin ko ay si Miriam ang sa mga mabisang communicator at tatanghaling isang first class journalist bukod pa sa isang certified beauty. I really admire her dahil masipag, matalino, walang takot sa anumang klaseng trabaho. At balita ko nga sa mga GMA-7 crew at staffers, wala daw kiyeme si Miriam sa kanilang mga location shoot. Ang mga successful, serious broadcast journalists ay iyong mga may hands-on, first-hand knowledge about their work dahil mas convincing sila sa kanilang pagre-report.
Intriga Kina Nora At Matet Tapos Na!
At first glance, mukhang tapos na ang intrigang bumabalot sa mag-inang Nora Aunor at Matet de Leon. Ang mga tsismis ay tunay namang naging daan para pag-usapan sina Matet at Nora. At ngayon, tila bumabandera na silang muli sa lahat ng entertainment news. Si Matet ay napaka-effective bilang isang maldita sa isang Sa Dulo ng Walang Hanggan at madalas pang mag-guest sa iba’t-ibang TV shows.

Samantalang si Nora ay naghahanda na sa pagbangon ng kanyang career. Maganda naman ang naging reception ng mga tao sa kanyang two-night concert sa Music Museum na may bonus pang emotional reconciliation nila ni Matet. Hindi ko nga maintindihan kung bakit halos lahat ng away, paghihiwalay at pagbabati ng mga celebrity ay idinadaos sa publiko. Hindi kaya nila malutas ang kanilang problema sa isa’t-isa sa kanilang private conversations at kailangan pa ang TV at tabloid coverage?

Pero sadyang malaki ang naitutulong ng mga intriga at iskandalo sa career ng isang artista. Kapag walang tsismis, walang ugong ang iyong career, parang hindi interesado ang mga fans sa kanilang mga iniidolo.

Email:
[email protected]

vuukle comment

GRETCHEN

GRETCHEN BARRETTO

INTRIGA KINA NORA AT MATET TAPOS NA

ISANG

KANILANG

KANYANG

MATET

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with