Eddie, aktibo sa edad na 70
October 10, 2001 | 12:00am
Tulad ni Fernando Poe Jr., si Eddie Garcia ay isa sa mga mangilan-ngilang movie actors na masasabing hindi isang television actor. Nagpo-promote sila ng mga pelikula nila sa telebisyon sang-ayon sa release ng kanilang mga movies. Pero hindi sila laman ng mga television sitcoms, drama o soap opera na usung-uso ngayon bilang exposure venue ng mga beteranong artista. Noon si FPJ ay may TV show. FPJ sa GMA, pero ito ay mga luma niyang mga pelikulang inilalabas sa telebisyon. Milyon umano ang kinita ng Action King sa series na ito kaya naman hindi na niya kailangan ang isang regular soap opera show upang makatulong sa kanyang kinikita.
Si Eddie Garcia, gaya ni Dolphy, ay mahigit nang 50 taon sa pelikula at malaking bahagi ng panahong iyon ay ginugol niya bilang leading man o leading kontrabida o direktor. Hindi siya basta character actor at karamihan nga sa ating mga aktor ay gustong sundan ang career move o career pattern ni Eddie Garcia bilang isang movie personality. Nagsimula si Eddie bilang kontrabida noon sa Sampaguita Pictures yun bang medyo high class at aristocratic kontrabida na medyo society boy. Pero naging bida rin, naging direktor pa at siya ang bale naglunsad kay Tony Ferrer bilang action superstar. Matindi rin ang dating ni Eddie bilang aktor at last year, siya ang headliner sa pelikulang Deathrow na pambato ng GMA Films sa 2000 MMFF. Second best picture iyon at second top grosser at nanalo rin si Eddie ng best actor hindi lamang sa MMFF awards kundi sa iba pang awards organizations.
Sa mga panahong ito na nag-aantabay pa si FPJ ng magandang opportunity upang gumawa muli ng pelikula, busy pa rin sa movie production si Eddie. May project siya sa MMG at sa Viva at natural lang na over the title ang billing niya ahead of everyone else in the cast. At blockbuster pa rin ang mga pelikula ni Eddie. At si Eddie Garcia perhaps is the oldest of all the movie actors still doing hard action movies. Eddie admits he is already past 70 but physically he shows no signs of old age as if he has discovered the fountain of youth. At maswerte rin siya sa ibang aspeto ng buhay. Ipinagtapat niya iyon kamakailan na siya sa paminsan-minsan niyang paglalaro ng casino ay nanalo siya ng limang milyon sa slot machine. Aba at talent fee na niya iyon sa isa o dalawang pelikula.
Lahat na lamang sa showbiz may magandang sinasabi kay Ricky, kung gaano ito kabait, thoughtful and with no known enemies. The break-up of his marriage to Rosemarie Sonora which everyone considered as a match made in heaven, disintegrated for whatever reason in 1987 and Rosemarie went ot the United States, got a divorce and remarried an American businessman.
Ang pag-aasawa ni Sheryl at ang pagtalikod nito sa showbiz ay isang malaking dagok para kay Ricky Belmonte na maligayang-maligaya kung nakikihalubilo sa lahat ng mga activities sa showbiz. Alagang-alaga niya ang kanyang mga anak maging si Wowie (Renzo) at Patrick na inaasahan niyang magiging mga sikat na movie stars din. Pero hindi naman naging maswerte si Renzo tulad ni Sheryl at si Sheryl naman ay nagretiro na nang mag-asawa. Pero si Ricky, talagang showbiz creature. Hanggang sa kanyang kamatayan ay kasali pa rin siya sa isang soap opera sa ABS-CBN na Sa Dulo ng Walang Hanggan.
Ang dami yatang mga pakulo at pangyayari ngayon sa local showbiz. Ito kaya ay simula na ng pagbabangong muli ng movie industry? Bumabalik na kaya ang interes ng mga fans at audience kaya, ang daming balita. Hindi nga lamang puro magagandang balita o positibo ang mga balita. Malungkot ang pagkamatay ni Ricky Belmonte, masaya naman ang panganganak ni Sunshine Cruz. Malungkot ang pagkakadawit ni Lloyd Samartino sa mga drug cases (pero mahirap itong paniwalaan). Pero masaya na rin kung totoong pakakasal o ikinasal na si Jude Estrada at least there is one bright spot in the embattled Estrada family this time.
Maganda raw ang reception ng mga foreign audiences sa mga pelikulang Pilipino notably ang Jose Rizal ng GMA Films na dinirek ni Marilou Diaz Abaya at ang Anak ng Star Cinema, directed by Rory Quintos and starring my favorite Vilma Santos. Sasali pa nga raw ang Anak sa Tokyo International Film Festival at malaki ang tsansa nito sa mga awards.
Samantala, dalawang filmfests ang ilulunsad sa holiday season. Ang Cinemanila International Film Festival na itinataguyod ng Mandaluyong City, at ang annual Metro Manila Film Festival 2001 sa December 25. Maraming kaganapan ang inaasahan sa showbiz na magdudulot ng kasayahan at sana panibagong pag-asa sa mga taong bagsak na sa kung anu-anong negative news from abroad and from our country. Marami ang umaasa na magkakagiyera in the coming month, pero marami ang nagdarasal na lamang na huwag matuloy ang gulo at sana ay huwag nang umabot sa ating bansa. Kaya nga lang committed tayo sa laban ng Ame rika sa terorismo.
Sana naman ang napipintong gulo sa mundo ay makabawas na sa mga problemang dinaranas ng Pilipinas na lahat na yata ng korupsyon, krimen at karahasan ay narito na. Buti na lang at kumikita-kita na naman ang mga Filipino films.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended


























