^

PSN Showbiz

Aktor, ka-on ng fashion designer bago nag-showbiz!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nag-krus na naman ang landas ng mayamang fashion designer na bading at sikat na aktor sa isang show. Dahil may pinagsamahan ang dalawa noon ay niyaya niya ang aktor na kumain muna. Uminom din sila ng alak. Nang malasing na ito ay niyaya ang bading na samahan siya sa kanyang bahay kaya gustong mapalundag sa tuwa ng designer.

Ang ending, natupad muli ang pangarap ng bading na makapiling ang sikat na aktor na pinagpapantasyahan ng mga kabaro niya at matrona. Marami na ring nagastos na pera ang bading sa aktor lalo na noong wala pa ito sa showbiz. Ang actor ay sinasabing isa sa pinaka-magaling na young actor sa kasalukuyan.
Rica, may solo concert sa Singapore
Bukod sa pelikula at TV shows ay may iba pang pinagkakaabalahan ngayon si Rica Peralejo. Ito’y ang mga shows sa Kamaynilaan, lalawigan at sa labas ng bansa.

Katunayan ay aalis siya patungong Singapore ngayong Agosto para sa isang solo concert.

Kalalabas lang ng ospital ng seksing aktres dahil namaga ang tonsil niya at tumaas ang lagnat. Ilang araw ding namahinga sa Medical City si Rica at ngayon ay hindi muna siya pwedeng magtrabaho.

Nagpapasalamat ang aktres dahil natapos na rin ang tungkol sa "pot session" issue sa dressing room ng Dos na iniintriga sa kanilang dalawa ni Bernard Palanca. Idinagdag pa rin ni Rica na hindi na siya nagre-react tungkol dito dahil naklaro na ito ng Dos at pinagalitan na ang mga taong nagpalabas tungkol sa nasabing issue.

Balak ng Viva na pagsamahin sila ni Rufa Mae Quinto sa isang show. Kaya lang hindi pa ngayon dahil kapwa sila abala sa paggawa ng pelikula.

Hindi rin siya apektado kung magkaroon man ng pelikula si Victoria London at maging kaagaw niya sa Viva Films. Hindi naman pinababayaan si Rica ni Vic del Rosario. May sisimulan siyang movie na ididirek ni Erik Matti.
John R., Naghihirap na?
"Totoong isinanla ko ang bahay ko sa Multinational Village at kamuntik na itong maremata. May tumulong sa akin at dito ako nagbabayad ng hulugan," paliwanag ni John Regala tungkol sa nasabing issue.

Samantala, saludo si John sa pakikipagtrabaho sa producer at international aktor na si Jacky Woo na kasama niya sa Dudurugin Ko Pati Buto Mo dahil mabuti itong makisama. Umaasa nga ang aktor na sana’y suportahan ang movie para gumawa pa ng mga pelikula sa bansa si Jacky.
Marvin, kailangan ng break
Mabigyan lang ng tamang proyekto ay baka magkamit ng acting award si Marvin Agustin. Napanood ko siya sa Maalaala Mo Kaya sa episode na "Banyo" at nagalingan ako sa kanyang pag-arte lalo na sa eksenang inuusig siya ng budhi dahil sa panggagahasa at pagpatay sa isang boarder. Nabigyan niya ng tamang paglalarawan ang papel ng isang taong may tama sa utak.

Malaki ang naitutulong ng acting workshop na isinasagawa ng Talent Center dahil halos lahat ng mga artista nila gaya ni Kaye Abad na kasama ni Marvin sa nasabing episode ay maaasahan din sa pag-arte.

Pwede si Marvin sa drama at pwede rin sa komedi. Sa kalipunan ng mga kabataang artista ay isa si Marvin sa mga versatile actor na matatawag.
Toffee, may stage play
Kahit walang pelikulang ginagawa ay abala naman sa paglabas sa entablado si Toffee Calma. Pagkatapos ng Hamlet ay gagawin niya ang Bolang Kristal kasama si Onemig Bondoc at ito’y itatanghal sa Camp Aguinaldo sa unang linggo ng September. Malaki ang naitutulong nito para lalo siyang mahasa sa pag-arte.

Bukod sa stageplay ay abala rin ang aktor sa pagiging image model ng Boss cologne at ng Jass Pal na counterpart ng Bench sa Thailand.

Tutungo nga siya sa said place para sa renewal ng kontrata para sa produkto at magkakaroon ito ng billboard ads pictorial. Hindi pa naipalalabas ang experimental movie ni Toffee titled Motel Tatlong Kuarto na nakakahawig sa istorya ng Blairwitch documentary movie.

vuukle comment

AKTOR

BERNARD PALANCA

BOLANG KRISTAL

CENTER

DAHIL

MARVIN

RICA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with