^

PSN Showbiz

'Naglalasing' si Michael Laygo

-
Humahataw ngayon sa airplay ang bagong single ni Michael Laygo na pinamagatang "Heto Ako (Laging Naglalasing)" na mula sa kanyang self-titled album sa Asiatec Music Productions. Bukod kasi sa catchy ang lyrics ay masarap sabayan ang himig nito na tamang-tama sa mga kalalakihang namomoroblema sa pag-ibig.

"Sa totoo lang," wika ng adprom head na si Ruby Suico, "hindi namin akalaing magiging ganito kainit ang pagtanggap ng mga listeners sa kantang ito ni Michael na third single na sa album niya sa amin. May pagka-hysterical kasi ang lyrics nito at naisip namin noon na baka hindi matanggap ng karamihan lalo na ng kabataan. Pero, iba nga ang nangyayari ngayon. Paborito ito hindi lang ng mga may problema kundi nais lang magkatuwaan o magparinig sa kanilang mga minamahal."

Dating mainstay ng Starbrighters sa TV at kasalukuyang isa sa regular hosts ng noontime show sa Channel 13, si Michael ay labis ding natutuwa at instant hit kaagad ang nabanggit na awitin na itinuturing niyang hango sa kanyang totoong buhay. May panahon din daw kasi na bukambibig niya ang maglasing basta may problema. Kaya nang i-record niya ito ay talagang feel na feel daw niya. Pero, ang payo pa rin niya’y huwag idaan sa alak ang paglutas ng problema. Dapat ay harapin ito nang maayos.

Ang "Laging Naglalasing" ni Michael ay obvious na patuloy na namamayagpag sa recording sa kabila ng pagsusulputan ng sangkaterbang baguhan. Iba na talaga pag tunay ang talento, kahit ‘malasing’ sing pa rin ng sing! (Ulat ni Zar Baisas)

vuukle comment

ASIATEC MUSIC PRODUCTIONS

BUKOD

DAPAT

HETO AKO

LAGING NAGLALASING

MICHAEL LAYGO

PERO

RUBY SUICO

ZAR BAISAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with