^

PSN Showbiz

Topless dance ni Assunta

-
Inaasahan na magbibigay ng naiibang dimensyon sa career ni Assunta de Rossi ang kanyang launching movie na Red Diaries na bukod sa nagtatampok sa ilang breast exposures ay pinagawa pa rin siya ni director Maryo J. delos Reyes ng isang fiery topless dance.

Isang seduction scene ito na kung saan ay nagtanggal siya ng damit at nagsayaw sa harap ng mayamang matanda na ginagampanan ni Dante Rivero ay palihim din na nanonood ang driver nitong si Anton Bernardo. Impotent dito si Dante at kahit na ang Viagra ay walang naitulong sa kanya.

Subalit nahaling si Assunta kay Anton ng lingid sa kaalaman ni Dante. Mayro’n silang love scene sa isang nakahintong kotse.

Kumukuha ng malaking interes ng publiko ang pagpapalit ni Assunta ng image. "Napag-isipan ko na yan ng matagal. There’s no turning back," ani Assunta.

Marami ang nagtatanong kung hindi raw ba apektado ng pagbabago ng image ni Assunta ang kanyang bagong napiling relihiyon?

" Hindi naman siguro ganun kakitid ang utak ng Victory Fellowship. But nevertheless, I have been converted pero hindi pa naman ako ganun ka-active," pagtatanggol niya.

Hindi lamang ang pagkawala ng kanyang pag-ibig ang sakripisyo ni Assunta pero, handa siyang tanggapin ang lahat. After all, ang daan tungo sa tagumpay ay isang matinig na landas.

"Assunta de Rossie is this year’s superstar," ani Mother Lily Monteverde. "Nararamdaman ito. Malakas ang appeal niya mapa-babae man o lalaki bagaman at magkaiba ang tingin nila sa kanya. Tingin sa kanya ng kalalakihan ay isang bulaklak in full bloom while women see her as somebody who carried herself well," dagdag pa ng producer.

Tampok din sa Red Diaries sina Carlos Morales,Pilar Pilapil, Jam Melendez at Dante Gomez.

vuukle comment

ANTON BERNARDO

ASSUNTA

CARLOS MORALES

DANTE GOMEZ

DANTE RIVERO

JAM MELENDEZ

LILY MONTEVERDE

MARYO J

RED DIARIES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with