^

PSN Showbiz

Mikey Arroyo, may kasunod agad sa MMG!

-
Napaka-swerte naman talaga nitong si Mikey Macapagal Arroyo, ang presidential son at lead actor, opposite Judy Ann Santos, in MMG Films International’s Mahal Kita Kahit Sino Ka Pa.

Hindi pa man naipapalabas ang kanilang movie ni Juday pero nakatakda na siyang mag-shooting ng kanyang kasunod na movie sa Angeles City para sa nasabing bagong movie production na pag-aari nina Engr. Ervin at Evelyn Mateo.

Ganito kalaki ang pagtitiwala kay Mikey ng mag-asawa.

For his next film, kinukuha either Angelika dela Cruz or Kristine Hermosa para makapareha niya.

Si direktor Kaka Balagtas, ang direktor niya sa Judy Ann movie, ang siya muling magdidirect ng kanyang next movie titled Walang Iba Kundi Ikaw.

Isa itong love story na may napapanahong background ng hostage-taking. Magkakainlaban ang hostage taker at ang kanyang hostage. Scheduled ito for an early November playdate.
*****
My heart went out for Halina Perez nang makausap ko siya at malaman na napakaliit pala ng tinatanggap niyang talent fee sa napakahirap na ginagawa niya sa harap ng kamera. Bah, hindi yata biro-biro ang maghubad at makipag-love scene na may nanonood na maraming tao.

"Ang ginagawa ko na lamang ay kinakaibigan ko ang mga nagiging kapareha ko para kapag nagsimula na ang aming eksena ay hindi ako naiilang o nahihiya sa kanila,"paliwanag ni Halina. "Bago ang eksena ay pinag-uusapan naming mabuti ang mga gagawin namin. Sinasabi ko rin ang mga limitasyon ko. Like bawal hawakan ang boobs ko at ang mga lower part ng katawan ko. Also, bawat love scene ko ay iniiyakan ko muna. Bale ito ang nagsisilbing pampaluwag ng dibdib ko. Pagkatapos kong umiyak, okay na ako," dagdag pa ng magandang sexy star.

Nakatakda nang mapanood ang pelikula ni Halina na Amorseko kapareha sina Paolo Rivero, Allen Dizon at JC Castro.
*****
Nasa Cebu na si Allona Amor at nagso-shooting ng Aikido Part 2 for True Colors Films. Baka isabay na rin dito ang shooting ng Bay Angels na kung saan ay isa siya sa tatlong babaeng artista na itinatampok sa movie. Mga three weeks dun si Allona. Bago siya umalis ay nakapag-taping siya ng Di Pwedeng Di Pwede. Allona is one sexy star na hindi naapektuhan ng slump sa movie industry sapagkat bukod sa pagpapaseksi, pwede rin siya sa action. Tumatanggap din siya ng character roles na kung saan ay naipapamalas niya ang kanyang talino sa pag-arte.

vuukle comment

AIKIDO PART

ALLEN DIZON

ALLONA

ALLONA AMOR

ANGELES CITY

BAY ANGELS

DI PWEDENG DI PWEDE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with