^

PSN Showbiz

Aksyon, drama at komedi sa GMA

-
Sa pagtatapos ng Rio Del Mar, isang bagong serye ang ihahatid ng TAPE, Inc. sa mga manonood na tiyak na aabangan at susubaybayan, ang Biglang Sibol, Bayang Impasibol.

Umiikot ang kuwento sa magkasangang buhay ng dalawang pamilyang mortal na magkaaway, ang mga Vaciador at mga Herreros.

Kahit anong iwas ang gawin sa isa’t isa, para namang sinasadya ang laging pagsasalubong ng kanilang landas. Sa pagtakbo ng ating istorya, maraming salasalabit na pangyayari at lihim ang mabubunyag na kapwa di nila inaasahan.

Ang bagong serye na ito ay pinangunahan ng mga beteranong artista sa ating industriya, tulad nina Nestor de Villa, Sylvia La Torre, Delia Razon at Celia Rodriguez, Michael de Mesa, Gardo Versoza, Lara Fabregas, Lyka Ugarte, Lara Morena, Ynez Veneracion, Gladys Guevarra, Dindin Llarena at ng dalawa sa pinakabago at pinakamahusay na artista na sina Jefrrey Quizon at Alessandra de Rossi.

Ang Biglang Sibol, Bayang Impasibol ay may kakaibang timpla. Di tulad ng mga seryeng nakasanayan na. . . ito ay pinaghalu-halong aksyon, drama at komedi. Simula na sa Marso 12, 2001, 1:30-2:00 p.m., Lunes hanggang Biyernes sa GMA Channel 7.

vuukle comment

BAYANG IMPASIBOL

BIGLANG SIBOL

CELIA RODRIGUEZ

DELIA RAZON

DINDIN LLARENA

GARDO VERSOZA

GLADYS GUEVARRA

JEFRREY QUIZON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with