^

PSN Showbiz

Awiting nagpaluha sa buong bayan

-
Noong ika-20 ng Enero, bandang 2:20 ng hapon ang buong bansa ay naging saksi sa paglisan ni Presidente Joseph Estrada sa Malacañang. Habang nagpapaalam ang Presidente at ang kanyang pamilya, minabuti ng Channel 2 na tugtugin ang isang makabuluhang awitin na siya namang nagpaluha sa napakaraming tao, pro man o anti.

Sa kabilang dako naman, ang boses na umaawit habang pinapanood ng buong bansa ang madamdaming eksena, ay siya ring boses na maririnig kasama ang ibang demonstrador, sa paanan ng Mendiola bridge, malapit sa Palasyo, pilit na hinihingi ang pagbitiw ni Presidente. Siya’y walang iba kundi si Coritha, ang mang-aawit at kompositor ng awiting "Oras Na."

Lingid sa kaalaman ng marami, ang "Oras Na" ang nagpasimuno ng lahat, nang kantahin ng "live" ni Coritha kasama ang musical director ng Regal Films na si Blitz Padua sa keyboards at si Joel Oliveros sa electric guitar, sa unang rally na inilunsad ng Council on Philippine Affairs (COPA) laban kay Erap noong Oktubre 18, 2000 sa Ayala. Dahil sa makabuluhang titik "ang takot ay nasa isip lamang" marami ang namulat at mula noon, ang "Oras Na" ay umalingawngaw sa lahat ng rally: sa Mendiola, sa Ayala, sa Liwasang Bonifacio, sa Senado hanggang EDSA at sa buong bansa sa pamamagitan ng Radyo Bandido – DZRJ na pinatutugtog araw-araw upang himukin ang mga Pilipino na manindigan para sa bayan at katotohanan.

vuukle comment

AYALA

BLITZ PADUA

CORITHA

JOEL OLIVEROS

JOSEPH ESTRADA

ORAS NA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with