^

PSN Showbiz

Jolina, spoiled sa Dos?

-
Medyo nagdaramdam si Jolina Magdangal kapag may nagsasabi sa kanya na wala siyang gusto na hindi nakukuha sa ABS-CBN. "Para bang pinalalabas na malakas lang ako at hindi ko na pinaghihirapan ang mga bagay na dumarating sa aking buhay," may himig pagtatampo na sabi niya isang gabi na makausap ko siya matapos na makapanayam siya ng maraming reporters para sa pagsisimula ng kanyang bagong show sa Channel 2, ang Arriba! Arriba!

"Alam n’yo naman na hindi naging madali ang lahat pagdating sa career ko. Kung mayro’n man akong tinatamasang kaginhawahan ngayon, ito ay bunga ng hard work. Pinagtrabahuhan ko ito. Hindi ito bunga ng paboritismo. Hindi ako bibigyan ng ABS-CBN ng isa pang show kung hindi ako deserving," dagdag pa niya.

Kagagaling lamang ni Jolina sa isang matagumpay na concert tour sa US. Bago siya umalis ay tumanggap siya ng certified triple platinum record award para sa "On Memory Lane." Arriba! Arriba! will give her fans and viewers of TV the chance na makita siya sa iba’t ibang characters. "Pati imagination ko rito, nagiging totoo. Maganda ang show. Hindi magkakaroon ang mga manonood ng pagkakataon na lumipat ng istasyon o palabas during breaks dahil manghihinayang sila. Iba iba ang mapapanood nila, gags, musical, MTV, sitcom at maski na drama mayron’ nito sa show," pagmamalaki niya.
*****
Sariwa pa mula sa tagumpay na tinamo ng dalawa niyang hit singles na "Kung Ako Lang Sana" at "Show Me The Way" mula sa kanyang album na "Show Me The Way", sasabak naman si Chad Borja sa mundo ng music videos, sa paglo-launch ng pinakabago niyang obra maestra, ang "Show Me The Way" sa Hard Rock Café, Makati ngayong Disyembre 18 sa ganap na 7:00 ng gabi.

Dinirihe ni Connie Macatuno, na siya ring nasa likod ng pang-hatinggabing programa sa ABS-CBN na Martin Late @ Nite ni Martin Nievera, ang konsepto ng music video na ito ni Chad ay umiikot muli sa pag-ibig – isang lalaking nais malaman kung paano niya maaaring mahalin ang babaing tinatangi, ayon sa nais nito. Ang romantikong temang ito ay bagay na bagay kay Chad, na simula’y sapul pa lamang pagpasok nito sa industriya ay nakasanayan nang nariringgan ng mga himig pag-ibig. Ito rin ang nakapagpasikat sa kanya sa balanang Pinoy na mga likas ang pagka-romantiko, bukod pa sa pag-awit ni Chad na alam na alam n’yong galing sa puso. Ang natatanging talentong ito ay mababakas sa album n’yang "Show Me The Way" na prinodyus ng batikang Japanese-American GRP artist at miyembro ng Hiroshima na si Carlos Yutaka. Ang iba pang nilalaman ng album na ito na dapat abangan ay ang dueto ni Chad kasama ang mga batikang sina Kevyn Lettau ("Love Letter From The Heart") at ang sariling atin na si Kuh Ledesma ("Summer Without You").

Ang "Show Me The Way", ay mabibili pa rin sa CDs o cassettes mula lamang sa Warner Music Philippines.

CARLOS YUTAKA

CHAD BORJA

CONNIE MACATUNO

SHOW

SHOW ME THE WAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with