^

PSN Showbiz

Away ng dalawang baguhan

-
Noong Alas Dose sa Trese pa ang Lunchbreak, very close sa isa’t isa sina Yam Ledesma at Angelica Jones. Ang closeness na yon ay unti-unting nagkalamat dahil sa intriga. Ang kampo ni Angelica ay nagalit sa controversial teenstar nang mawala na nga si Angelica sa ipinalit na programa sa Alas Dose sa Trese ilang buwan na ang nakakaraan. May favoritism daw na nagaganap dito. Dahil nakikipag-compete daw ang talent and beauty ng dalawa, isa sa kanila ang dapat mag-goodbye. Kaya in si Yam, out naman si Angelica.

Sa Broadcast City pagkatapos ng taping ng isang show, heto si Yam na nagsasalita sa isyu. "Sa akin naman po, wala na iyon," entrada ng magandang kapatid ni Ronald Gan Ledesma noong Martes. "Sana, makarating kay Angelica na ako, wala akong karapatang tumutol o mag-alis ng talent sa show dahil pareho lang naman kaming talent. Kahit pa sabihing close ako sa producer o kung sinuman diyan, wala po akong karapatan. Huwag nilang palitawin na may kinalaman ako diyan!

"Ang dami ko nang nabasa laban sa akin mula sa kampo nila, kaya lang, hindi ko na lang po sinagot kasi, lalaki lang yung gulo! Kung sakaling magkita kami, kakausapin ko talaga siya para maliwanagan siya. Gusto ko talagang malaman sa kanila mismo kung bakit sila nakapagsalita nang ganun? Mas maganda na yung nagpapakumbaba."

Pero di pa naman huli para ibalik si Angelica Jones sa programa, di ba? Bakit hindi niya hilingin sa MMG head (who turns out to be her mother) na ibalik si Angelica sa show? "Puwede akong mag-suggest pero wala akong right na kailangan si ganito ang kunin ninyo o si ganun. Kasi, at sasabihin kong muli, talent lang ako rito, artista lang ako rito."

Ngayong magpa-Pasko, gusto naman ni Yam na magkasundo na’t magkabati silang dalawa ni Angelica. "Eh hindi naman po ako nakikipag-away sa kanila, eh! Ang dami ko na ngang natatanggap na text. Hindi ko sila pinagbibintangan, kaso, minsan, lumabas po sa cellphone ko yung number ng Mama niya.

Ayon kay Yam, kung meron mang dapat sisihin si Angelica sa hindi pagkakapasok sa Lunchbreak, ito ay ang executive producer na si Mr. Caloy Mansueto, saka yung in-charge sa casting. "Sila kasi ang mas nakakaalam at hindi ako!"

Si Yam ay nakatakdang magbigay ng isang launching concert sa Rembrandt Hotel ngayong December 15 sa direksyon ni Ms. Gypsy Baldovino. Kasama niya ang super comic idol na si Leonard Obal.
* * *
Mas mauuna ang solo concert ni Leia Alano kaysa kay Yam Ledesma. December 14 ang Another Leia sa Music Museum. At sino naman si Leia Alano? Siya ang bagong alaga ni Laila Dee na dating abala sa pagpoprodyus ng mga pelikula noong 80s. Pati si Vehnee Saturno ay napahanga sa kanyang tinig kaya naman bigla niyang nilikha ang kantang "O Kay Sarap" para sa baguhang mang-aawit.

"Ngayon lang po ako kumakanta professionally," pagtatapat ni Leia sa Retros noong Martes, "although my whole family sings and I was always on the background. Back-up lang ako lagi. I never actually thought na I come to do a concert."

Ala-Laila Dee rin kung sumagot sa mga tanong si Leia, kaya nang magkatabi kami ng sexy at young-looking producer, biniro ko siya kung siya mismo (Laila) ang nagturong sumagot sa mga tanong na ibinabato kay Leia. "Of course not," sabi naman ni Laila. "You know, she is an Iglesia ni Cristo at tapos ’yan ng Hotel and Restaurant Management sa New Era College that’s why magaling siyang magsalita."

"My grandmother started to take me sa mga amateurs, singing contests when I was five years old," pagbabalik-tanaw ni Leia. "I was six when I won the first prize. Ngayon po, I am here kasi ang gusto ko lang po is to share my talent. Mas priority ko ang singing career ko kaysa mag-artista."

Eh ano ang masasabi niya sa angking tinig ni Regine Velasquez? "She’s alright, she’s fine. No comment ako, bow ako kay Regine."

vuukle comment

AKO

ALAS DOSE

ANGELICA

LANG

LEIA

NAMAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with