^

PSN Showbiz

Vilma, nag-react sa Lucky issue - (Sanga-Sangandila)

- Veronica R. Samio -
Isang araw yun na ginising ako ng napakaraming tawag. Lahat ay pagtatanggol kay Vilma Santos na diumano ay nagalit sa isinulat ko tungkol sa kanila ng kanyang anak na si Lucky Manzano. Maaga pa yun at ako ay hindi gising sa umaga. Insomniac ako kaya ang buhay ko ay sa gabi. Habang ang lahat ay nahihimbing sa kanilang tulugan, ako naman ay kung anu-ano ang ginagawa at binubutingting sa aking kuwarto para palipasin ang magdamag.

Of all the calls that I got, one came from a person very close to the mayor of Lipa City. She asked where I got my news na ikinagalit daw ni Vi dahil napaka-sensitive nito pagdating sa kanyang mga anak. Siyempre, I can’t and won’t reveal my source.

The caller said na hindi totoong napapabayaan ni Vi ang kahit na isa man sa dalawa niyang anak na lalaki. Katunayan, umuuwi ito gabi-gabi sa kanyang tahanan dito sa Maynila mula sa kanyang pagtatrabaho sa Lipa dahilan sa kanila. At bagaman at totoong nagkasakit ng matinding ubo ang kanyang bunso na si Ryan Christian na nangailangan ng kanyang pagaalaga at panahon, hindi raw ito naging dahilan para mapabayaan niya si Lucky. She is always there for him at katunayan, palagi silang may communications nito.
*****
Ngayong napili na siya bilang recipient ng Vic Silayan Achievement Award ay saka pa lamang nagagawang aminin ng aktres na si Alicia Alonzo na sa loob ng 11 taon na ipinamimigay ang parangal na ito ay inasam na niya na manalo nito.

"Naiinggit ako dun sa mga winners," aniya. "Bagaman at nagkaroon na ako ng pagkakataon na manalo ng acting awards at mabigyan ng mga nominasyon sa loob ng 33 taon na naging artista ako, ang makatanggap ng Vic Silayan award is a truly singular honor. Yes, this is going to be my proudest moment as an actress," dagdag pa niya.

Ang parangal ay tatanggapin niya ngayong Sabado, Oct. 7, during the TV Star Awards sa UP Diliman.

Ang mga pumili kay Alice para sa parangal na ito ay sina Dr. Alejandro Roces, Cecile Guidote Alvarez, Fr. James Reuter, SJ, Media Specialists Mars Cavestany, Crispina Belen, Ronald Constantino at ilang mga miyembro ng Silayan family gaya nina Mrs. Aurora Silayan-Go, Mavic-Silayan-Simon, Florentino at Ruben Silayan, Chat Silayan-Bailon.
*****
Naro’n kami sa premiere night ng Ipinanganak Na Ang Taong Papatay Sa Iyo ng MMG Films Production na nagtatampok kina Ronald Gan at Beth Tamayo in the lead roles. Ginanap ito sa Southmall, Las Piñas isa itong hard hitting action from beginning to end, isang pelikula na ipinasadya para sa talino ni Ronald Gan Ledesma. Bukod sa cast ng movie na binubuo nina Yam Ledesma, Ervie at Engr. Ervin Mateo, Daria Ramirez dumalo rin ang mga taga-Alas Dose Sa Trese na sina Ladine Roxas, Jojo Abellana, Veronica Jones at Jojo Alejar.

vuukle comment

AKO

ALAS DOSE SA TRESE

ALICIA ALONZO

BETH TAMAYO

CECILE GUIDOTE ALVAREZ

CHAT SILAYAN-BAILON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with