^

Punto Mo

British sailor, pinaghimalaan ni Virgin Mary (Last Part)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

SABI ng mga doktor wala nang pag-asa pang makalakad si John “Jack” Traynor, dating sailor sa British Royal Navy Reserve na nasugatan sa First World War. Tinamaan siya ng shrapnel sa ulo na naging? dahilan para ito ma-paralyzed at nagkaroon ng epilepsy. 

Nang operahan siya, lalong lumubha ang kanyang kondisyon. Hanggang hindi na siya makalakad.

Hindi sumuko ang pamilya ni Traynor. Buo ang kanilang paniniwala na gagaling si Traynor at makalalakad muli sa tulong at awa ng Diyos. Hiniling nila sa Diyos na pagalingin si Traynor.

Noong Hulyo 1923, ipinasya ng pamilya na isama si Traynor sa unang pilgrimage ng Archdiocese of Liverpool sa Lourdes, France.

Maraming naniniwala na ang paliligo sa pool ng Lourdes ay nakapagpapagaling ng anumang uri ng sakit. Marami nang nagpagtunay na kapag ibinabad ang kata?an sa pool ng Lourdes ay mapapawi ang lahat ng sakit.

Ang Mahal na Birhen ng Lourdes ang nagpapagaling.

Ilang beses naligo sa pool si Traynor sa tulong ng pamilya. Nagbabad siya nang matagal.

Makaraan iyon, nakaramdam siya ng pagbabago sa kanyang kanang kamay. Naganap iyon habang dumadalo sila sa Blessed Sacrament procession. Hindi makapaniwala si Traynor maging ang pamilya.

Kinabukasan, mas malaking himala ang nangyari sapagkat nakalakad siya at nakatakbo patungo sa grotto!

Magaling na si Traynor.

Nang eksaminin siya ng mga doktor, napatunayang nakalalakad na siya nang perpekto. Wala na rin ang kanyang epilepsy. Maging ang kanyang mga sugat ay naghilom. Nawala rin ang butas sa kanyang bungo dulot ng bala.

Noong December 8, 2024, kapistahan ng Immaculate Conception, dineklara ni Archbishop Malcolm McMahon ng Liverpool na isang himala ang nangyari kay Traynor sa pamamagitan ng intercession ng Mahal na Birhen ng Lourdes. Ito ang ika-71 himala ng Mahal na Birhen.

WORLD WAR

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with