^

Punto Mo

Ang magaling sinibak, ang mapagbigay isasabak

BAKAS AT ALINGAWNGAW - Kokoy Alano - Pang-masa

MAINIT na kritisismo ang ibinalibag ng mamamayan sa mga henyo sa Palasyo ng Malakanyang sa ginawang pagsibak kay BOC Commissioner Ariel Napomuceno at ilipat ito sa BCDA. Ano ba talaga ang totoong dahilan?

Nauna rito ay humiling ang BOC ng P29.5 bilyon budget para sa 2027 IT Modernization program upang lalong mapaganda ang collection at masala ang mga karumaldumal na nakawan at kutsabahan sa pagitan ng mga demonyong importers at opisyales ng BOC. P5.9 bilyon lang ang ibinigay. Ngeeek!

Dahil sa paghihigpit ni Nepomuceno ay nakakulekta ang BOC ng P1.3 trilllion sa kasalukuyan na lumampas sa itinalagang target collections bukod pa sa sunud-sunod na nakumpiskang smuggled vape products, fake cigarretes, shabu at bigas na umabot sa P85.167 bilyon ang halaga na nakatulong ng malaki sa bayan at  nagpahirap sa mga smugglers. Sila kaya ang dahilan?

Ginulantang tayo ng P112 bilyon na unprogrammed appropriations bukod pa sa P7.2 trilyon na National Budget para sa taong 2027 na ang ginagawang basehan ay ang sumusobra sa target ng mga collection agency na tulad ng BIR at BOC. Kaya pala naglundagan sa tuwa ang mga alagad ni HS Bojie Dy. Tandaan natin malapit na ang 2028. Tama ba House Appropriation Chief Cong. Mika Suansing?..He he!

Karamihan sa nakaraang unprogrammed appropriations ay ginamit ng DPWH sa road projects at malamang na kaya lumala ang mga flood control ghost projects. Sabagay, matagal nang ginagawa ng DPWH ang ganyan. Nasigawan lang ng ‘‘MAHIYA NAMAN KAYO’’ kaya pansamantalang tumigil.

May pasubali si Justice Marvic Leonen na puwedeng may managot sa maling pag-gamit ng unprogrammed appropriations at kung magiging garapal ay maaring maharap din sa impeachment si BBM.

Si Justice Leonen ay appointed ni Noynoy Aquino na mahigpit na kalaban ng mga Marcos. Samantalang si Chief Justice Rodil  Zalameda ay appointed ni Digong Duterte na kaibigan ni Manang Imee. ‘Yun Lang!

ARIEL NAPOMUCENO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with