^

Punto Mo

Pari, pinaghimalaan ni Birheng Maria (Part 1)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NOONG nag-aaral si Father Fulton Sheen sa Bel­gium, gustung-gusto niyang makarating sa Lourdes, France. Gusto niyang itaon ang pagbisita sa Lourdes sa ikalimang anibersaryo ng kanyang ordination.

Subalit mayroon siyang problema, eksakto lamang ang kanyang pera sa train ticket. Wala na siyang gagastusin para sa hotel at iba pa niyang panganga­ilangan.

Subalit positibo si Father Sheen na matutupad ang kanyang pangarap na makarating sa Lourdes.

“Gusto kong makabisita sa Lourdes at bahala na sa akin ang Blessed Mother para ako tulungan,’’ sabi ni Father Sheen sa sarili.

Nang makarating siya sa Belgium, pinili niyang tumuloy sa pinakamagandang hotel at planong mag-stay siya roon sa loob ng siyam na araw.

Sabi ni Father Sheen na nagbibiro, “When you ask for miracles, you must never be a piker.”

Sa loob ng walong araw na pagbisita sa Lourdes, walang nangyaring himala kay Father Sheen.

Nang magsiyam  na araw, wala pa rin. Gabi, ng ikasiyam na araw, wala pa ring nangyari.

Ganap na 10:30 ng gabi, nagtungo siya sa grotto para magdasal sa huling pagkakataon.

Nang patungo na siya sa grotto, isang lalaki ang nagtanong sa kanya kung siya ay American priest na marunong mag-French. (Itutuloy)

 

PRIEST

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with