^

Punto Mo

EDITORYAL - Ituloy ang BSKE

Pang-masa

AYON sa Comelec, 90 percent nang handa para sa pagdaraos ng Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Nobyembre 2026. Nakaimprenta na ang mga balota, nakabili na ng mga ballot box at iba pang election materials, at bilyun-bilyong piso na ang nagastos. Pero dalawang buwan bago ang BSKE, pinag-uusapan na naman sa Kongreso ang pagpapa­liban nito.

Sa katunayan, inaprubahan na ng Senate committee on local government ang mga panukalang may kaugnayan sa postponement ng BSKE at pagtatakda ng limang taong termino para sa barangay at SK officials­.

Sa isang panukala, ililipat mula Nobyembre 2026 sa Oktubre 2027 ang election. May bersiyon ding maa­aring magtakda ng susunod na BSKE sa 2028.

Maaaring pagdebatehan ang limang taong termino. Pero kailangan bang ang kasalukuyang mga opisyal ang unang makinabang dito?

Ayon mismo sa Parish Pastoral Council for Responsible Voting, maaaring ituloy ang November 2 election at saka ipatupad ang limang taong termino sa mga mananalo.

Malaking pera na ang nagagastos sa pagdaraos ng BSKE. Ayon sa Comelec, humigit-kumulang P8 bil­yon na mula sa P19.57-bilyong budget ang nagastos. Kasama rito ang ballots, 40,000 ballot boxes, pens at indelible ink.

At maaaring madagdagan pa ang gastos dahil sa postponement. Kapag muling binuksan ang voter regis­tration, maaaring madagdagan ang botante, pre­sinto, gurong kailangan at election paraphernalia.

Pero higit sa P8 bilyon ang usapin.

Ang barangay ang pinakamalapit na gobyerno sa ordinaryong Pilipino. Kapitan at kagawad ang unang­ nilalapitan sa ayuda, sakuna, gulo sa komunidad at ma­raming pang-araw-araw na problema. Kung mahusay ang kasalukuyang opisyal, maaaring ibalik siya ng mga botante. Kung hindi, dapat magkaroon ang mamamayan ng pagkakataong palitan siya.

Hindi dapat Congress ang paulit-ulit na nagpapasya kung gaano pa katagal mananatili ang mga incumbent. Ang botante ang dapat magdesisyon.

Kung nais gawing limang taon ang susunod na termino, pag-usapan at isaayos ito. Pero hindi kailangang kanselahin ang election na halos handa nang idaos. Dapat­ na itong matuloy. Tama na ang mga mungkahing pagpapaliban sa BSKE!

BARANGAY AT SANGGUNIANG KABATAAN ELECTIONS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with